RYZEN SUDALGA [2]

476 10 1
                                    

CHAPTER II

Ryzen's POV

• • • • •

Nang makababa na kami ay sinalubong kami ng mahalimuyak na amoy ng ulam na nanggagaling sa kusina.

Adobo, gosh! I love Adobo, mapa manok o baboy. But if both, ang sarap rin no'n. Shems.

"Oh, hali na kayo." nakangiting pag anyaya sa amin ni Tito Simon no'ng makita kaming tatlo patungong dining area.

Umupo kami sa perspective naming upoan. Magkatabi sina Tito Simon at Mom habang pinaggigitnaan ako nina Sheena at Xavier. Shems.

"First time na'tin 'tong kumain ng magkasabay." salita ni Tito Simon kaya ngumiti kami sa kanya, maliban no'ng kay Xavier. Tsk.

"And for that, mag pray tayo sa Maykapal dahil sa blessings at sa gathering na ito." sabi naman ni Mom at biglang hinawakan ang kamay ni Tito Simon. Inabot rin n'ya ang kamay kay Xavier.

Nag-aalangang tinanggap ito ni Xavier. Agad namang kinuha ni Sheena ang kamay ko kaya nagkahawakan kami. Inangat ko ang kabilang kamay ko upang ipahiwatig na hawakin ni Xavier ang kamay ko. Matalim na tingin ang ipinukol n'ya sa kamay ko at sa akin, kaya naman kinabahan ako. Shems.

"Ehem." tikhim ni Tito Simon at nakita kong umikot ang mata ni Xavier bago n'ya tinanggap ang kamay ko.

Parang nakuryente ako sa pag hawak n'ya sa kamay ko pero isinawalang-bahala ko lang iyon. At kaming lima nga ay nagkahawakan ng kamay sa hapag-kainan kaya nag-umpisa nang nagdasal si Mom.

"Amen." sabay naming tugon nang matapos si Mom na magdasal.

Nagbitawan na kami ng kamay at ginalaw ang kubyertos namin. Umunang kumuha sila ng kanin at nagpahuli ako. Second to the last si Xavier na kumuha ng kanin at inilapag n'ya ito sa harapan ng pinggan ko. Nagpasalamat ako pero di n'ya ako tinaponan ng tingin. Tsk. Snob nga s'ya.

Nagsandok na kami ng mga ulam namin at nagsimula nang kumain. Napapansin kong todo ngiti sina Mom at Tito sa aming tatlo habang sinusulyapan kami. Di ako alam pero parang nasisiyahan silang nakikita kaming magkatabi. Wew.

"Uh! Bukas na pala ang pasok n'yo," biglang nagsalita si Tito Simon. At tumingin naman ito sa tabi ko. "Xavier, Sheena, samahan n'yo itong si Ryzen bukas dahil bago pa lang siya sa paaralan n'yo. Maliwanag ba?" salita pa ni Tito Simon sa gitna ng aming pagkain.

"Jeez. Sheena can handle it all by herself." salita ni Xavier do'n na parang walang pake, which he kinda is.

"Dzuh. Ako nang bahala kay Ryzen, Dad. Tsk. Kung ayaw ni kuya, edi ako na. Simple. Tsk," medyo inis na pahayag ni Sheena sa amin o sa kuya n'ya. "Yieh. I-to-tour kita bukas sa school, Ryzen. Hehehehehe. I'm sure magugustohan mo doon. Ipapakilala rin kita sa mga kaibigan ko bukas. I'm sure magugustohan mo rin sila. I can't wait." masayang pahayag sa akin ni Sheena at kinalabit ako.

"Okay, then. It's settled." masayang pahayag ni Tito Simon doon.

"Ano nga pa lang gusto n'yong ipabaon ko sa inyo bukas? Gusto n'yo gawan ko kayo ng sandwich? Shake? Chocolate milk drink?" masayang tanong naman sa amin ni Mom.

My Step-Brother Owns Me [boyxboy]Where stories live. Discover now