Remnant 01

12.9K 427 277
                                    

Minerva Nadya; the wisdom of hope

If I had known what my life would be after all those years of dread and constant self-destruction, I wish I didn't think of giving up and just resigning to where the cycle of life wishes to bring me.

If only I had known how beautiful my life would be after all the hardships that fate put me through and the battles I had to take because of my history, I wish there wasn't a second I complained.

Dahil kung alam ko lang na ganito kaganda ang kalalabasan ng lahat, sana hindi ko kailanman inisip na ayoko sa buhay na meron ako. Because my life right now with my wife and daughter is the greatest gift I've ever received.

My light. My hope.

"Anong kulay ang gusto mo?"

"Purple, Papa..."

"Sige blue," natatawa kong sagot.

"I said purple, Papa!"

"Oo nga, Minerva Nadya, blue nga!" pang-aasar ko pa.

My daughter's face crumpled in confusion and annoyance. Her red cheeks are glistening with uncalled exasperation and I'm just grinning, amused by her expression.

"Pero purple rin kahapon ang ginamit natin 'di ba? Hindi terno sa damit mo ngayon," banayad kong tanong nang sumuko na sa pang-aasar at habang sinusuklay ang dulo ng maalon niyang buhok gamit ang purple na hair brush.

My daughter's hair has become silky and brown like of a chestnut's color over the years she grew. Pareho sila ng kulay ng buhok ni Natalia. Mas matingkad nga lang itong kay Minerva dahil ata sa pinapagamit ni Natalia na shampoo at conditioner na padala pa mula sa Italy.

Hindi ko alam 'yung brand dahil hindi ko rin naman mabasa ang mga nakalagay. Kaya hinahayaan ko na lang dahil halos buwan-buwan din nagpapadala ang mga tita at tito ni Natalia ng mga gamit para kay Minerva. All I know is that it's also a purple liquid confined in a transparent bottle.

From the mirror, I saw how Minerva pouted and scrunched her nose. Parang may mainit na kamay na humaplos sa aking puso habang pinagmamasdan ang limang-taong gulang na anak.

She got the chuck-hazel eyes of her mother. Apelyido na lang ata talaga ang namana sa akin ng batang 'to dahil halos kamukha niya talaga si Natalia. But I don't mind though. It's like seeing a little Natalia from time to time and it feels so right – like the season of spring; flowers blossoming and pixies flying.

Minerva Nadya is both my rock and my kryptonite.

Buong akala ko ay hindi na ulit ako makakaramdam ng mas matinding emosyon bukod sa pagmamahal na meron ako kay Natalia. Pero nang dumating si Minerva ay parang mas tumindi lamang ito.

Kung hulog na hulog ako kay Natalia noon, mas hulog na ako sa mag-ina ko ngayon.

"But I want purple hair ties," she said, trying to be firm with her 5-year-old soft voice. "Mom said I can use purple again, Papa...not blue."

I clicked my tongue and smiled. Tumango ako saglit bago inabot ang purple hair ties sa harap namin. Isang tray iyon ng iba't ibang kulay na panali ng buhok na regalo mula kay Caitlyn, pero purple lang naman ang halos nagagamit.

Bakit pa nga ba ako nagtanong? Purple ang paborito niyang kulay. Simula nang nagkamulat siya sa mundo ay iyon na ang naging gusto niyang kulay. Halos lahat din ng gamit niya ay purple dahil hindi siya natutuwa kung ibang kulay iyon.

"Okay. Sit properly then so Papa can tie your hair in pigtails," I convinced. Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko at tahimik lamang na pinapanood ang repleksyon naming dalawa sa salamin.

Fragmented RhapsodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon