{02} LUPAIN NG SILVANIA

392 22 29
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Kamahalan, patuloy pa rin pong lumalala ang problema sa kanlurang bahagi ng ating lupain. Hindi na ito kaya pang hawakan ng ating mga kawal." Nakayukong sabi ng tauhan ng hari. Napakuyom ang kamay ng hari habang nakatingin sa kawalan. Waring nag-iisip ng maaring gawin.

"Ipatawag ang mahal na prinsipe." Utos nya sa isang kawal. "Masusunod po, Kamahalan." Sabi nito bago yumuko at lumabas sa malaking kwartong iyon.

Pagod na napasandal si Haring Emerio sa kanyang upuan habang nag-iisip ng maaring solusyon sa unti-unting panggugulo ng mga nilalang na di tanggap ang kanilang katayuan sa lipunan.

Tahimik na naglalakad-lakad sa hardin ng palasyo ang prinsipe habang sa likod nya ay nakasunod ang mga alalay na naka-talaga sa kanya. "Mukhang napakaganda ng sikat ng araw ngayong umaga, Lily." Sabi nya sa kanyang sariling punong tagapaglingkod.

"Syang tunay, kamahalan." Bahagyang ngumiti ang prinsipe at sinenyasan ang lahat na huwag na syang sundan pa. "Subalit, Kamahalan--"

"Huwag kang mag-alala, Dinno. Kaya ko ang aking sarili. Gusto ko lamang mapag-isa kahit kaunti. Pahintulutan nyo sana ako." Sabi nya kaya walang nagawa ang kanyang punong tagabantay kundi ang yumuko.

"Masusunod, kamahalan. Mag-ingat lamang po kayo sapagka't hindi po magandang mag-ikut-ikot ng mag-isa ngayon." Tumango lamang ang prinsipe saka na nagtuluy-tuloy sa paglalakad.

Naiwan ang hilera ng mga alalay nya sa bukana ng hardin. Pumasok pa sya sa pinakagitnang bahagi at agad na napangiti nung makita ang ilog ng kaharian. Umakyat sya sa tulay na halos puno na ng halaman ang hawakan. Sumandal sya dun at pinanood ang malayang paglangoy ng mga isda.

"Tunay na napakalaya nila." Bulong nya. "Nararapat lamang alagaan ang ganitong regalo ng kalikasan." Bulong nya at tahimik na ginalaw ang daliri nya. Mahinang gumalaw ang tubig na sinundan ng mga isda. Napangiti sya at ibinaba ang mga kamay nya.

"Ganitong katahimikan ang nais ko." Bulong nya at ipinikit ang mga mata. Pinakiramdaman nya ang simoy ng hangin na dumadampi sa pisngi nya pati na ang ingay ng pagdaloy ng tubig sa ilog.

Naramdaman nya ang pagdapo ng ibon sa kamay nyang nakahawak sa hawakan ng tulay kaya napadilat sya. Tinitigan sya ng ibon na agad nyang kinangiti. "Magandang umaga." Bati nya dito, humuni ito na animo'y naiintindihan sya.

"Nalulugod akong makilala ka. Pasensya na at wala akong dalang pagkain para sa iyo. Huwag kang mag-alala at babalik ako dito bukas para bigyan ka." Sabi nya dito at maingat na hinaplos ang ulo ng ibon na pumikit naman.

The Book of Silvania (TaeKook FF) [COMPLETED]Where stories live. Discover now