{30} ANG KASUNDUAN

292 27 120
                                    

Third Person's POV


"Yah! Bakit ganiyan ang kulay nyan, hyung?" Nakangiwing tanong ni Taehyung habang nakatingin sa kopitang hawak ni Seokjin.

"Ito ang gamot para sa panghihina ng kanyang puso. Kaya ganito ang kulay nito ay dahil sa mahikang nagmumula sa amin ni Jiminie." Sabi ni Seokjin saka maingat na nilagay sa maliit na tray ang hawak na kopita.

"Jiminie, tama na ang pagpapak ng dahon ng sherri." Sabi ni Seokjin saka hinila na ang braso ng kapatid na halatang sarap na sarap pa sa pagkain. Natawa na lang si Taehyung at kumuha ng isang mansanas.

Ito lang yata ang prutas na pamilyar sakin.

Napailing na lang sya bago kagatan ang mansanas. "Daanan na muna natin sina Namjoonie upang sabay-sabay na tayong tutungo sa silid ng mga Stailcan." Sabi ni Seokjin na tinanguan ng dalawa.

"Jin hyung, sa tingin mo, sino ang Luna?" Biglang tanong ni Jimin kaya napatingin sa kanya ang dalawa.

"Ako'y napapaisip lamang. Ang sabi ng nawawalang aklat ng Silvania ay isang estranghero na mula sa ibang mundo ang Luna subalit ayon kay Lynx ay hindi iyon si Taehyungie. Mayroon pa bang ibang ligaw na nilalang dito bukod sa kanya?" Di mapigilang tanong ni Jimin.

"Gaya mo ay napapaisip din ako, Jiminie. Ang laman ng aklat ng Silvania ay pawang katotohanan lamang kung kaya't sigurado rin akong estranghero sa lugar na ito ang Luna. Kung hindi si Taehyungie iyon ay paniguradong may iba pang ligaw na nilalang ang naririto." Paliwanag ni Seokjin.

"Ngunit ano ang dahilan ng aking pagdating dito? Imposibleng walang dahilan iyon, hindi ba?" Pagpasok na ni Taehyung sa pag-uusap ng magkapatid.

"Ang totoo nyan ay iniisip ko rin kung ano nga ba ang iyong papel dito sa Silvania, Taehyungie. Ngunit kahit anong isip ko ay di ko rin mahanap ang sagot." Sabi ni Jimin. Ngumiti si Jin sa dalawa.

"Hintayin na lamang natin na oras ang sumagot sa lahat ng ating katanungan." Pagtatapos ni Jin sa usapan saktong narating nila ang pinto ng silid nila.

Kumatok si Taehyung saka binuksan ang pinto. Nung mamataan nya si Jungkook na nakahiga sa kama ay mabilis syang tumungo dito at niyakap ito. Nagulat man ay yumakap pa rin pabalik si Jungkook kay Taehyung.

"Baby bun~~~ na-miss kita!!" Bulong ni Taehyung habang nakasiksik sa leeg ng natatawang si Jungkook. "Miss kita. Ang ibig sabihin niyon ay 'nangungulila ako sa iyo', hindi ba?" Tanong ni Jungkook na tinanguan ni Taehyung.

The Book of Silvania (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon