{18} PAGKADISMAYA

299 25 60
                                    

(few hours from now and it's our jiminie's birthday already. gahd, iloveyou, Chim!! stay sweet, our mochi. this is my gift for you guyseu~~)

THIRD PERSON'S POV

"Sino ba yung epal na babae na yun? Ang kapal ng mukha nya para sumapaw. Kung wala syang korona ay iisipin kong nagtitinda sya ng gulay sa palengke. Feeling maganda." Nakairap na sabi ni Taehyung habang naka-cross arms. Nagtataka naman syang tiningnan ng mga kasama nya partikular na ni Jungkook na mukhang nagdududa na naman sa sinabi nya.

"Maari bang baguhin mo ang paraan ng iyong pananalita? Hindi ko maintindihan ang iyong ibig sabihin, Taehyung." Sabi ni Jimin. Napangiti si Taehyung dahil di nagbago ang tingin nya dito, cute na cute pa rin sya sa berde nitong mga mata.

"Ako'y huwag na niyong intindihin, kamahalan. Tinatanong ko lamang sana kung anong ngalan ng babaeng naririto kanina." Nakangiti nyang sabi kay Jimin.

"Prinsesa Alexa ang kanyang ngalan, ang kanyang ama ay isa sa pinakamataas na tauhan ng hari. Sa aking pagkakatanda ay nais ng hari na ipakasal sya kay Prinsipe Jungkook---"

"Ano?! T-Tangina?! Yung mukhang isda na yun ay ipapakasal nyo dito sa ubod ng perpektong nilalang na'to? What the fuck? Nagsasayang lang sila ng oras, pera at effort. Their decision is much better if they'll engage me with this perfect Kookie!!" Sabi ni Taehyung at tinuro pa si Jungkook na inangatan sya ng kilay.

"Ikaw ay sinabihan na ni Prinsipe Jimin. Ayusin mo ang iyong pagsasalita dahil wala kaming maintindihan. Bakit ba masyadong kakaiba ang pagkakagawa ng inyong lenggwahe? Anong "fuck"? "Effort"? At ang salitang "Tangina" ay parati kong naririnig sa iyo." Sabi ni Namjoon na nababalutan na naman ng itim na salakot.

The Book of Silvania (TaeKook FF) [COMPLETED]Where stories live. Discover now