{04} KAKAIBANG ESTRANGHERO

337 25 50
                                    

THIRD PERSON'S POV

"T-TANGINA!! WAG NYO NGA AKONG TUTUKAN NYAN. DI NAMAN AKO MASAMANG TAO!" sabi ni Taehyung habang atras ng atras. Nung pumasok ang mga kawal ay agad syang tinutukan nito ng matatalim na espada na kinalaki ng mga mata nya. Napaatras sya habang lapit naman ng lapit ang mga kawal.

"Waahhh!! Bakit ba?! Sabi nang wag nyo 'kong tutukan nyan." Sabi nya saka mabilis na tumayo. Naalarma naman ang mga ito pero napaupo ulit si Taehyung dahil sa sakit ng bewang at pang-upo nya. "Tangina, sakit ng bewang ko. Pano ba'ko napunta dito?" Bulong nya at pinagmasdan ang mga taong nasa harapan nya, ni hindi nya nga masabi kung tao nga ba talaga.

Kunut-noo nyang pinagmasdan ang mga ito pero agad din syang napangiti nung may maisip.

"Teka--- haha, baka nasa isang birthday party lang ako, ah? Sino bang may birthday? Kaya ba kayo naka-costume ng ganyan. Lupit naman ng nasa kamay mo." Sabi nya pero mas tinutukan lang sya ng espada ng mga kawal. Napaupo na naman sya at umatras ulit.

"Anong birthday party ang iyong pinagsasasabi, estranghero? Saan ka ba nagmula at sino ka?!" Sabi nito na kinangiwi ni Taehyung. "Ah, s-so, hindi nga 'to birthday party?! Waahhh!! Bakit ako nandito?! Bakit nyo 'ko dinala dito? Sino kayo?! Waahh!! Mga halimaw kayo!!" Sigaw nya habang parang batang nagwawala dun. Bahagya namang napaatras ang mga kawal sa pag-aakalang maglalabas ito ng kapangyarihan.

"Ikaw ang aming tinatanong, estranghero. Kung sino ka at bakit ikaw ay napadpad rito? Saang bahagi ka ng Silvania nagmula?" Tanong ng isang nababalutan ng itim na salakot. "Sa taas nga!! Binagsak ako ng langit!! Ano bang klaseng lugar to? Bakit ba ganyan kayo magsalita? Nosebleed naman ako nyan, eh!" Reklamo nya pa habang nakasimangot.

"Ikaw ang may kakaibang lenggawahe, estranghero! Tigilan mo na ang pagsasalita ng kung anu-ano at sabihin na sa amin kung sino ka." Sabi ng isang kawal. "Taehyung, okay? Taehyung ang pangalan ko. Kim Taehyung, full name. Taetae, nickname. Pretty Taetae, kung gusto nyo 'kong kaibiganin. Ano? Happy? Kilala nyo na'ko? Layo nyo na yan sakin." Sabi ni Taehyung saka tumayo habang hawak ang balakang nya.

Shet, taas ba naman ng binagsakan ko. T~T

"Kamahalan, ikaw ay umalis sa likuran ng nilalang na iyan. Hindi natin alam kung ano ang kaya niyang gawin. Baka saktan ka nya." Sabi ng isang kawal kaya napatingin si Taehyung sa sinasabi nitong kamahalan na nasa likuran nya. Agad na namilog ang mga mata nya at napaawang ang labi nung mapagmasdan ito.

A-A p-prince indeed.

Shuta! Ang gwapo! >///<

Nakatingin lang ito sa kanya. Blangko ang ekspresyon lalo na ang mga mata nito. Nakasandal ito sa pader habang naka-cross-arms. "What the-- sinong Diyos ang nagbagsak sa anghel na tulad mo?" Natanong nya sa kawalan na mabilis nya ring pinagsisihan. Kunut-noo syang nilapitan ni Jungkook at tiningnan ng masama.

The Book of Silvania (TaeKook FF) [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang