{41} TAELOUS BEAR

266 24 37
                                    

Third Person's POV

"Bakit nandito na naman yan?" Bulong ni Jungkook habang nakatingin kay Bogum na nakikipag-usap kay Taehyung.

"Alam nya kasi yung bagong address ng Dad ni Taehyungie.." Napalingon sya sa nagsalita sa tabi nya at bahagya pang napatitig dito. Inangatan sya ng kilay ni Lynx  at inayos pa ang eyeglasses nito.

"Bakit ganyan ka makatitig?" Tanong ni Lynx habang naka-cross arms. Sumandal sa pader si Jungkook at bahagyang ngumisi. "Kamukha mo talaga--"

"--wag mo ng ituloy yan kung gusto mong mabuhay pa tayo." Napalitan ng pagtataka ang mukha ni Jungkook lalo na nung ituro ni Lynx ang gawi nila Taehyung. Lumingon si Jungkook dun at nakita ang pag-angat ng isang kilay ni Taehyung.

Nagulat sya nung akbayan sya ni Lynx. "Kung nagseselos ka sa kanila, wag mo po akong idamay, kamahalan." Bulong nito at ginulo pa ang buhok nya. Natuod sya sa kinatatayuan nya nung layuan sya ni Lynx at lapitan sya ni Taehyung.

"Finding comfort while I'm talking to someone, huh?" Tanong nito na agad inilingan ni Jungkook. "No. Sinabi ko lang na magkamukha talaga--"

"Malamang! Kasi magkakambal kami!" Asik nito na kinaatras ni Jungkook. "Bakit ka galit?" Tanong nito. "Mukha ba'kong galit?" Pilit ang ngiting tanong ni Taehyung.

"H-Hindi ba?" Tanong ni Jungkook kaya malakas na kinurot ni Taehyung ang pisngi ni Jungkook. "Dyan ka na nga!" Asar na sabi nito saka bumalik sa pwesto nila kanina ni Bogum. Hinila nito si Bogum palabas ng shop kaya napakibit-balikat na lang si Jungkook.

"Bakit ba sya nagagalit?" Tanong nya habang hinahaplos ang pisngi nya. "Malamang nagseselos." Napatingin sya kay Jimin na abala sa pagkain ng sandwich.

"Ano namang ikaseselos nya eh kapatid nya yun." Sabi ni Jungkook. "Di ko alam na may pagka-tanga ka pala." Iiling-iling na sabi ni Jimin saka na umakyat sa hagdan.

"What the--huh?" Tanong na naman ni Jungkook sa sarili habang nakatingin sa papaakyat na pigura ni Jimin.

"Syempre, kamukha nya si Lynx. Iniisip ni Taehyung na baka magkagusto ka kay Lynx dahil dun. Wala namang pinagkaiba yung mukha nila, diba? Kasi nga kambal." Sabi ni Hoseok na biglang sumulpot sa tabi nya.

"Ano namang big deal dun, hyungie?" Tanong ni Jungkook.

"Ano nararamdaman mo kapag magkasama si Taehyung at Bogum?" Tanong ni Seokjin.

"Naaasar--"

"Ano pa?" Hoseok

The Book of Silvania (TaeKook FF) [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora