PROLOGUE

38 3 0
                                    

We're Illed and we're being killed

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

We're Illed and we're being killed.

"Itaas mo ang iyong mga kamay!" sigaw ng pulis habang ang kanyang baril ay nakatutok sa matandang lalaki sa kalaliman ng gabi. Marami pa siyang mga kasamahan sa likod at sa tabi ng kani-kanilang mga sasakyan na may nakasisilaw na pula at bughaw na patay-sinding ilaw. Humahanda na rin sila sa mga posibleng gawin ng matanda. So the old man obeyed. "Huwag kang kikilos nang masama! Huwag kang magtatangkang lumaban! Maayos kang sumuko para hindi ka masaktan!"

"Ano ba'ng kasalanan ko?" tanong ng matanda as if he's not scared or even bothered at all. Siguro ay sinasadya niyang kalmado lamang ang pagkakasabi nang sa gayon ay hindi niya magising ang natutulog niyang apo. "Karapatan kong malaman ang ibinibintang niyo sa'kin."

"Huwag ka nang magmamaang-maangan pa! May nakuha kaming intel na lumikha ka ng isang bagay na ikatatapos ng sangkatauhan!" answered the police. The old man's eyes dilated in horror as he shook his head no. "Isuko mo na ang iyong likha sa kinauukulan at hindi ka na namin gagambalain pa!" pagsisinungaling ng pulis. Alam naman nating lahat na hindi pa naiimbento ang kapayapaan pagkatapos na makuha ng mga pulis ang nais nila mula sa isang kriminal.

"Hindi!" sigaw ng matanda. Sinimulan niyang ipikit ang kanyang mga mata.

Baaaannnggg!

Bago niya pa man ito imulat ay bumagabag na sa paligid ang ilang pagputok ng mga baril.

Anim.

Iyan ang dami ng mga bala na lumusot sa katawan, maging sa noo ng duguan at patay na matanda na nagmula sa lisensyadong baril ng magigiting na mga pulis.

. . . o0o . . .


"Limang kapulisan ang natagpuang patay sa Las Fortunas City kagabi. Sunog ang mga katawan ng mga pulis na halos lumalabas na ang mga buto at kalansay. Sinasabing ang dahilan ng kanilang pagkasunog at pagkamatay ay isang batang babae na may kakaibang abilidad diumano. Patay rin ang nasabing batang babae matapos siyang barilin ng sumugod pang mga pulis. Ngunit, ang bata ay natagpuang bugbog-sarado at maraming mga pasa. Sinasabing nanlaban daw ang bata sa mga pulis kung kaya't natamo nito ang maltrato," reported by the news anchor on national television. This left a woman puzzled. Napaparami na ang mga case na ganito.

"Regarding with the current events faced by our country, I shall implement a law, not undergoing the house and the senate, that humans with illnesses possessing superhuman capabilities we call the Illed, shall be taken into custody!" exclaims the President of the Philippines during his 2031 State of the Nation Address. "Republic Act No. 17156 otherwise known as the Anti-Convention of The Common and the Illed of 2031. This is to ensure the safety not just of common Filipinos but also for the Illed. The convention of two entirely different beings is seen disastrous. Especially for the Commons. The Illed are seen to pose a threat against the country. So they must be seized to an isolated island in Isla de Misterio."

THE ILLED: SECRETS OF THE ASYLUM (ON-GOING) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن