KABANATA 8 - DEATH OF A CLUE

8 1 0
                                    




Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


< REIVEN ZEIN >

Dahil sa sobrang dami ng mga nangyari ngayong araw lamang ay nahihirapan akong makatulog.

Things are getting messy in my head: 'Yong sitwasyon sa asylum-in which, probably, the rest of the Illed don't have an idea about, si Delta, at ang pamilya ko. Nami-miss ko na sila nang sobra.

This is the first time na hiwalay ako sa kanila for more than a day. It's my fifth day here to be exact. There was a prior thought na kakayanin ko naman. Na hindi ako maho-home sick at mase-set aside ko sila sa utak ko while I'm here pero when days pass by, nagmumukhang hanggang salita lang pala ako.

The light's still on. Humingi naman ng permission sa'kin ang roommate ko if he can keep it that way hanggang sa matapos siya sa ginagawa niya and I agreed. The windows are closed naman kaya't ang ceiling fans lamang ang sources namin ng malamig na hangin.

Nakatalikod akong nakahiga sa kanya para hindi niya makita ang nag-aalala kong itsura. Baka kasi kung ano pang masabi niya na kakalabanin ko lang ulit.

While I'm in deep thoughts and snuggling under my blanket, I wasn't aware I was tearing up until I felt a wet and warm droplet run down on my cheek. I wipe it as soon as I felt it gamit ang kumot ko. Honestly, hindi ko na talaga kayang pigilan ang nararamdaman ko.

"Uwak? Are you still awake?" Nagulat ako dahil biglang bumaling sa akin ang atensyon ng roommate ko. Wait. Bakit niya 'ko tinatawag? Is he empathic now? What does he want? Huminto ako sa paggalaw, mabilis na ipinikit ang mga mata, at hindi sumagot para hindi na niya ako pansinin pa. Nagkukunwari akong tulog na. "Don't play a joke on me, Uwak," pagpapatuloy niya. "I know you're awake."

I let out a deep sigh, wipe my tears away again then grunt as I turn to face him still lying down. "Ano ho ba 'yon, Sir?"

While he remains at seat in his black shirt, his eyes squint at me for a second then quickly returns to his normal fierce form. "Wait, were you crying?"

Kahit alam kong ibang level ang talino at observation skills niya, nagulat pa rin ako nang malaman niyang umiyak ako. Well, siguro, nagulat ako dahil ayokong maging bahagi ng iniisip niya lalo pa't napakarami na ng mga bagay na nasa utak niya. I don't want to add another file in his brain-case. And besides, personal problem ko na 'to. Ayaw kong mandamay pa ng iba.

"Ano ba dapat sasabihin mo, Juan Miguel?" tanong ko nang mas mahinahon, changing the topic. Bumangon na 'ko pagkatapos at umupo nang naka-cross legs.

"Why are you crying?" tanong din ang itinugon niya. His voice though sounds calm yet, with authority; more serene than usual.

"Wala," sagot ko habang nakatingin sa baba while fidgeting my fingers. "It's just. . . May nabasa lang ako kaninang kwento tapos hanggang ngayon, naiisip ko pa rin."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE ILLED: SECRETS OF THE ASYLUM (ON-GOING) Where stories live. Discover now