KABANATA 1 - ANG SIMULA

39 1 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

<REIVEN ZEIN>

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

<REIVEN ZEIN>

HINDI AKO NASASAKTAN.

Pero hindi ibig sabihin noon, hindi ako nagkakasakit, nasusugatan o nadudurog ang puso dahil sa bigat ng pakiramdam.

“Mutations are essential to evolution,” pahayag ni Ms. Leviticia, ang teacher namin sa Science. Halos kalahati sa amin ang may intensyong makinig sa diskusyon dahil natural na matatalino. Ang natitirang kalahati naman ay halos walang pakialam.

Kagaya ko.

Nakaharap lang ako sa kanya, bukas ang mga taenga ko pero halos sarado ang isipan ko sa mga ideyang gustong pumasok sa utak ko. “Mutations can result from DNA copying mistakes made during cell division, exposure to ionizing radiation, exposure to chemicals called mutagens, or infection by viruses. Evolution is continuous and inevitable kaya kailangan ng bawat organism na mag-adapt sa changes sa mundo. . . Gaya nating mga tao.  Well for a fact, mutations are gift to some, but burden to many. It has its benefits, but it also carries its drawbacks.”

“Ayan na naman tayo,” bulong ko sa sarili ko, half-annoyed.

Napabuntong-hininga na lamang ako at isinandal ang likod sa upuan. Maaaring tila ibang lengguwahe ang ginagamit niya sa pagd-discuss pero, intinding-intindi ko ang nais niyang ipahiwatig.

“Mr. Rivera?” tawag niya sa’kin. She definitely catches me off guard.

“Narinig niya ba ‘ko?” isip ko. “Ma’am?” gulat kong tanong at tumayo ako. Tumayo akong hindi masydaong malakas ang loob. I notice that most of my classmates are laughing and murmuring. Nasa gitnang row ako sa tabi ng bintana kaya, nakikita ko ang karamihan sa mga kaklase ko.

“What is your opinion regarding the mutation of the Illed?” tanong niya at naglakad patungong harapan ng kanyang mesa. “Are their mutations beneficial to our evolution?” At dumikit ang kanyang puwetan sa mesa na halos paupo na.

Habang bahagyang magkasalubong ang aking mga kilay ay nakatulala lang ako sandali. “Is she making this personal?” isip ko.

“Mr. Rivera?” she calls me again. Naibalik ako nun sa wisyo. Iginapos ko ang kamay ko sa kaliwang pala-pulsuhan ko para tulungan ang relos ko na takpan ang marka ko. “Is there a part you didn’t understand? Should I rephrase it to a structure you’d understand?” kalmado niyang dagdag. But somehow, I can feel the sarcasm.

THE ILLED: SECRETS OF THE ASYLUM (ON-GOING) Where stories live. Discover now