Part 1

281 12 0
                                    

Erik's POV:

"Good morning Lolo! " - hindi pa ako naka bangon ay ang matinis na sigaw na ang aking narinig mula sa apo ko.

"Magandang umaga din sa paboritong kong apo. "- bumangon ako at sinuot ang aking eyeglasses.

"Eh ako lang naman ang apo mo Lolo e. Kaya ako lang din ang paborito mo. " - nagkibit balikat pa nitong sabi at umupo sa kama ko.

Napangiti ako, at hinaplos ko ang buhok nito. Kahit kailan talga tong batang to, di maubusan ng sagot.

"Sus, teka nga. Bakit naka bistida ikaw? May lakad ba kayo nang nanay mo ngayon? " pagtatanong ko

"Wala po Lolo, pero diba po may occasion po tayo at may darating tayong bisita ngayon? "- bigla namang nag liwanag ang mukha nito, habang ako ay pilit ina alala kung sinong bisita ang tinutukoy nito. Ang hirap talga pag matanda na. HAHA

"Ay oo nga pala, ngayon darating sila Yeng at Victor ? Tama ba apo?" -nakangiting sabi ko.

Ilang taon na rin simula noong huli kaming nag kita. Namiss ko narin ang mga kaibigan kong iyon. Nanirahan narin kasi ito sa Canada kasama ang kanilang anak at apo na si Rhodney Ace na kasing edad lang din ng apo kong si Angelique.

"Opo Lolo! Kaya nga po excited akong makita si Rhodney Ace lolo e. Na miss ko na rin syang maka laro. " -ngumingiti ito habang nag sasalita ngunit sumimangot rin kalaunan.

" Bakit naman nakasimangot ang magandang apo ko na iyan. "- sabi ko habang hawak ang baba niya. Para makita ang mukha niya.

" Wala po Lolo. " -mahinang sambit nito.  Siguro ay talagang miss na nito si Rhodney Ace.

Parehong 7 years old si Angelique at Rhodney Ace, kaya mag ka sundo din talga ang dalawa. Dati noong dito pa naninirahan sina Yeng at Victor ay madalas na bumibisita ang mga iyon dito sa amin kasama ang kanilang apo na si Rhodney, pero noong nag migrate ang ina ni Rhodney sa Canada ay sinama sila nito. Mag da-dalawang taon na din simula ng hindi ko na sila nakikita. 

"Sabik na rin siguro si Rhodney na makalaro ka , panigurado. " nakangiting sabi ko rin. Ngumiti din ito sa akin bilang tugon.

"O sya sige apo, bumaba ka na muna at doon mo sala hintayin si Rhodney, susunod ako ha. " Sabi ko at tumayo.

" Ayaw ko po Lolo. Nababagot po ako doon sa sala manood ng TV e. . " Naka busangot pang sabi nito.

" Sige, may i k-kwento ako sayo apo. Gusto mo bang marinig? " - sabi ko na syang kinaliwanag ng mga mata nito.

" Talaga po Lolo? Sige po . Makikinig ako. " Masayang sabi nito at umayos ng upo sa kama.

Ngumiti naman ako  at nagsimula nang mag kwento.

"I was in senior high school when I met a girl named Angeline.. "

-------------------
Hi guys! So pasensya po sa mga typographical and grammatical errors, hindi ko pa po talaga gamay ang pagsusulat, so pls bear with me.

And, pasensya din po kung ang ikli lang nito bawat parts, since sa FB ko talaga ito naisulat originally tapos nilipat ko lang dito sa Wattpad. HIHI.

Anw. I'll be uploading 2 parts daily!

Yun lang. Continue loving AE. Have a great life! ❤️

A PROMISE TO KEEP [Completed]Where stories live. Discover now