Part 10 (Last Part)

246 10 5
                                    

Erik's POV:

"Huwag kang umiyak, ang pangit mo lalo."- isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa harapan ko. Kaya agad kong itinaas ang aking ulo upang makita kung sino ang ang nagsasalita.

"Ange- Angeline. Buhay ka? Angeline! "- mangiyak-ngiyak na sabi ko habang yakap ko siya. Damn! Panaginip lang ang lahat. She's alive!

Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik at hinarap niya ako sa kanya.

"Nais ko lang malaman mo Erik na masaya na ako. Masaya ako kasi dumating ka. " Ngumiti siya habang sinasabi niya iyon.

Umiyak ako ulit at niyakap siya.

"Erik-erik. Erik. " - isang tinig ng babae ang aking narinig na siyang dahilan upang magising ako.

Napamulat naman ako at nakita kong si Tita Brenda pala ang gumising sa akin.

Akala ko totoong buhay si Angge. Pero hindi pala.

"Erik, narinig kong minumutawi mo ang pangalan ni Angge. "- nagsalita si Tita habang nakatingin sa kabaong na nasa harapan namin.

Ang kabaong kung nasan si Angge. Pangatlong araw na ngayon ng lamay ni Angge at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na wala na siya.

"Tita, napanaginipan ko po si Angeline. " - humarap ako kay Tita Brenda pagkasabi ko non.

Mapait naman itong ngumiti, halata sa mga mata nito ang lungkot sa pagkawala ni Angge , "Alam mo Erik, when God gave me a daughter, ang saya saya ko. Because He blessed me a loving, caring and precious child at iyon ay si Angeline. Noong pinanganak ko siya, nalaman namin na may komplikasyon siya sa puso. Ginawa namin ang lahat para mapagamot siya, we avoid her from risks that can trigger her condition. Naging maayos naman, pero 2 years ago bigla ulit siyang sinumpong, nahihirapan siyang huminga. When I ask her kung anong nangyare sabi niya naligo siya ng ulan, pinagalitan ko siya kasi bawal siyang makaramdam ng pagod, bawal siyang makaramdam ng sobrang tuwa at bawal siyang makaramdam ng sobrang sakit. " - tumutulo ang luha ni Tita habang sinasabi niya iyon.

Saka ko lang naalala na ang araw na iyon ay kung kailan kami ay naghalikan sa gitna ng ulan.

"Tita I'm very sorry, kung alam ko lang Tita na may sakit siya. Sana di ko na siya pinayagan---" hindi pa ako nakatapos ay agad namang nagsalita si Tita Brenda at hinawakan ang kamay ko.

"No, you don't have to apologize. Sobra mong napasaya ang anak ko. A happiness na pati kami ay hindi namin naibigay sa kanya, kasi mas pinangungunahan kami ng takot. "-agad naman na sabi ni Tita .

"Noong kinunsulta namin si Angge sa isang hospital ang sabi nila lumala na ang kondisyon niya, na ka schedule na rin kung kailan siya papa operahan. Pero tumanggi si Angeline, ang sabi niya pagod na siya. She want us to let her go. Hanggang bumigay na nga ang puso niya. Tuluyan niya na kaming iniwan. "- mas lumakas pa ang mga hikbi ni Tita habang kini-kwento niya iyon.

Hindi ko na rin mapigilan ang luha ko , "Tita bakit hindi niyo ito sinabi sa akin? Bakit itinago niyo po ito sa akin? "

Ngunit sa halip na sagutin ako ay may inabot ito sa akin na parang isang scrapbook, "Habang naglilinis kami ni Yeng sa kwarto ni ANGELINE kahapon, nakita namin iyan. Sa tingin ko para sa iyo yan. "

Tinanggap ko ang scrapbook na ibinibigay ni Tita, at niyakap ako nito.

"Salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sa anak ko Erik. Maraming salamat. "
.
.
.
4 days after.

"Erik, mauna na kami. Papaiwan ka ba dito? " - boses iyon ni Yeng.

"Sige Yenggay, dito muna ako. Maaga pa naman. " -nakangiting sabi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A PROMISE TO KEEP [Completed]Where stories live. Discover now