Part 7

95 6 1
                                    

Erik's POV:

Pagdating ko sa school ay agad kong hinanap si Angge. I need to see her, I need to talk to her. Damn!

Wala pang 15 minutes ay nahanap ko siya na nakaupo sa bench. I run towards here at niyakap ko ito.

"Nag-alala ako sa'yo. " - sabi ko habang yakap ko siya.

"Erik..Teka. " - parang naiilang na sabi nito at inalis niya ang yakap ko.

Nasaktan ako sa ginawa niyang iyon. Ngunit binalewala ko lang at ngumiti ako.

"How are you? Kamusta ka? Ilang araw na kitang hindi nakikita, I missed you so much Ge. " - sunod na sunod na tanong ko habang hawak ang kamay niya.

"May inaasikaso lang, anyways ikaw? How are you? " - gaya ng kanina ay inalis niya rin ang kamay ko.

Nagtataka na rin ako, kasi hindi siya ganito sa akin e. It seems like she's avoiding me and it makes me crazy!

"Angge? Do we have a problem? " - naka kunot noo kong tanong.

"Wa-wala, ikaw? Meron ba?" -balik na tanong niyo sa akin.

"Yeah, nag away kami ni Dad. She wants me to transfer. Gusto niya na sa States ako magpatuloy. But don't worry, hindi naman ako pumayag. Hinding-hindi kita iiwan. " - paasar na sabi ko at inakbayan siya.

"Alam mo Erik, you're dad is right. Sa States mas makapag aral ka ng maayos, mas makapag focus ka. Don't mind me. I'll be okay. Tsaka para sa future mo yan . " - -sabi nito.

"But I want to be with you. "

"No , not all the time Erik ay dapat na lagi kang naka sabay sa'kin, kasi hindi habang buhay andito ako para sa'yo. Malaki ka na Rik, sooner or later hindi mo na rin ako kakailanganin. So better na sanayin na natin ang ating sarili na malayo sa isa't isa. " - nagtataka ako sa sinasabi niya. I can feel a pang of pain inside my chest.

"Hindi ka ganiyan? Angeline, why are you doing this to me. Diba? We promised, na sabay nating aabutin lahat ng pangarap natin. What happened to you? "

"That was a year ago, maraming nagbago Erik. "

"Ikaw ang nagbago Ge. Bigla kang nag iba, hindi na ikaw ang Angeline na nakilala ko. Iniiwasan mo ako, may nagawa ba ako? Tell me? " - kalmado pa rin ako habang sinasabi ko iyon.

"Wala Erik, but pls I'm begging you. Iwasan mo na ako. Please. " - sabi nito bago umalis at iniwan ako.

Doon ay namalayan ko nalang na tumulo na pala ang luha ko, pero agad ko iyong pinunasan at sinundan si Angge. Hindi to pwede. Nagbibiro lang siya.

Pero hindi pa siya nakalayo ay bigla itong nahimatay, tatakbo na sana ako para saluhin siya pero nakita kong sinalo ito ni Nick. Napa kuyom na lamang ako sa aking kamay.  Ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay selos at panghihinayang.
.
.
.
"Erik! Anong nangyare kay Angge? " -nag alalang tanong ni Yenggay sa akin. Andito kami ngayon sa clinic ng school kung saan dinala si Angge.

Napasapo ako sa sarili kong noo, "Bigla siyang nahimatay kanina. " - sabi ko.

"What?? " - sabi pa nito at pumasok sa loob ng clinic.

Habang nasa labas ako , ay nag dadalwang isip ako na pumasok. Kasi kanina lang ay nag aaway pa kami. While I'm holding the doorknob ay may narinig akong usapan nila ni Yeng mula sa loob.

"Angeline, it's already the time to tell Erik. He needs to know this Ge. " - tinig iyon ni Yeng.

"Yenggay. No. Please. Don't tell this to Erik. " - sabi naman ni Angge na siyang pinagtaka ko.

A PROMISE TO KEEP [Completed]Where stories live. Discover now