Part 5

100 7 6
                                    

Erik's POV:

The whole summer vacation was fun and unforgettable. Marami akong nagawa, at natuklasan pa sa sarili ko. Pero isa Lang din talga ang hindi nagbago e , at iyon ay ang nararamdaman ko para kay Angge.

The next school year started, classmates pa rin kami ni Angge since same strand ang pinili namin. Masaya naman kami, na enjoy naman namin. Time flies so fast, ilang buwan nalang ay ga-graduate na rin kami sa senior high.

"Saan ka mag co-college? " -tanong ko kay Angge na prenteng nakahiga sa hita ko.

Andito kasi kami ngayon sa park, sabado naman kaya nakapaglibang kami kasama ang dalawang lovebirds na sila Yeng at Victor. Sakit sa mata e. Ang sweet naman kasi. Tsk. HAHA

"Ewan, malayo pa naman yon e. May isang buwan pa tayong tatapusin e. Sulitin muna natin ang senior high. Tsaka wala pa ngang summer vacation e. " - sabi naman nito.

"Sabagay. " -tipid na sagot ko rin.

Tumingin naman ako sa gawi ng dalawang lovebirds na nasa unahan namin. Ang ta-tamis kasi e.

"Angge, tingnan mo nga yong dalwa o. "- mahinang sabi ko kay Angge sabay turo kina Yeng at Victor. Tumingin naman ito sa dalawang nag haharutan .

"Aray! Ang daming langgam dito! Grabeee ! " -tumayo at  umakto pa ito na parang kinagat ng langgam. Napalingon naman ang dalawa.

"Sus! Inggit lang kayong dalawa e. Maging kayo nalang kasi! " - turan naman ni Yeng.

"Sira ka! "- patawang sabi naman ni Angge at umupo katabi sa akin.

Napa isip naman ako sa sinabi ni Yeng, paano kaya kung maging kami nalang? May pag asa kaya?

"Angge. "

"Bakit Unggoy? " - kahit kailan talga, hindu to makausap ng maayos e.

"Seryoso ako. Anubayan. " - kunware ay naiinis na sabi ko.

"Ano kasi yon? " - napakamot pa ito sa ulo.

"May sasabihin ako. "

"Ano nga kasi yon. Pabitin e. "

Aba, excited naman ng babaeng to. Kung di ko lang to mahal e, kanina ko pa to kinutusan e. De joke lang. HAHA

"May gusto akong babae kasi e. " -panimula ko. I can feel my voice cracking as i utter those words.

"Talaga? Sino naman.? "

Napanganga pa ito sa sinabi ko .

"Wala. " - okay, nato-torpe na naman ako e. Hirap naman kasi e.

"Tsk. Ano bayan, sige na. Baka matulungan pa Kita diyan. Sigeeee naaaaa. " - pag pupumilit nito sa akin.

"Sige na nga. You know what, this girl is different. Nakakabakla Ge e, pero I'm so in love with this girl. Wala nga lang akong lakas ng loob para sabihin to sa kanya. Tingin ko kasi wala akong pag asa dun e. " - wag kang maging manhid Ge. Ikaw ang babaeng yon!

"Sino ? Si Trisha? " - manhid nga talaga sya.

"Oo siya. " - plastic kong sabi. Gusto ko lang din i check ang magiging reaction niya. Nabasa ko kasi to sa Google e na parang pagselosin mo raw yong taong gusto mo para malaman mo kung may gusto rin siya sayo.  Kaso parang wala naman e.

"OMg!!! Talaga Erik??? Gaaddd. Sabi na eeeeeeee. " - tuwang tuwa pa nitong sabi.

Tsk. Ikaw kasi yon Angeline! Ikaw ang gusto ko! Ikawwwww!

"May pag-asa ka don uy, eh crush na crush ka rin nun no! " - sabi pa nito na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

Natahamik naman ako, wala akong ganang magsalita e.

A PROMISE TO KEEP [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt