Part 3

146 9 0
                                    

Erik's POV :

"Hi Ms. Beautiful! "- pagpapansin ko sa kanya pero olats, walang epekto. Umakto ito na parang hindi ako narinig.

Itinuon niya ang kanyang sarili sa pag aayos ng mga gamit niya sa bag. Siguro aalis ito, lunch break na din kasi. Simula kanina ay hindi ito nag sasalita at hanggang ngayon ay di ko parin alam kung anong pangalan nito bukod sa apelyido nito.  Habang nasa gitna sya ng pag liligpit ng gamit niya, ay may lumapit sa amin na isang babae.

"Angeline! Tara! "- tawag sa kanya ng isang babae na ewan ko ba kung anong kulay ng buhok.

Di ko ma define, pinaglihi ata ito sa rainbow. HAHA. Pero bagay naman sa kanya, maganda din ito pero mas maganda si Angeline.

Angeline pala pangalan niya. Wow. Her name really fits in her face. Umalis na ang dalawa kaya sinundan ko. Ewan, pero i Found ANGELINE interesting, gusto ko syang maging kaibigan. Kaso dedma nga lang ako palagi.

Nakita ko sila sa isang sulok ng cafeteria malapit sa school kaya nilapitan ko. .

"Can I join? "- nakangiting tanong ko habang hawak ang dala kong tray na may lamang pagkain. Pero denedma lang ulit ako ni Angeline, buti nalang at sumagot ang kaibigan niyang makulay ang buhok.

"Sure ! Come on, join us. " - siya.

"Thank You. " -pagkasabi ko noon ay tumabi ako kay ANGELINE, pero umusog ito ng konti papalayo sa akin.

"Hi, I am Yeng! As in Y-E-N-G. "-umakto pa ito na parang in-spelling ang pangalan niya. "I'm Angeline's friend. " - pag papatuloy nito at nakipag kamay sa'kin.

"I'm Erik. "- then I smiled nagulat ako ng biglang sumabat si ANGELINE.

"Di'ba Zhscedrake pangalan mo? "- pataray na tanong nito.

"You pronounce it wrong baby. It's Zhscedrick not Zhscedrake. " pang-aasar ko naman sa kanya.

"Duh whatever. " - pataray ulit niya at saka binaling ang atensyon sa pagkain.

"Yaan mo na yan si Angge Erik, masyado yang allergic sa mga gwapo. HAHAHA. "- tumawa pa ito at nag simula na ring kumain.

"Yenggay!"- bulyaw naman ni Angge.  Ngunit binelatan niya lang ito.

Natawa naman ako sa dalawa, halata sa mga gestures nila na close na close nga sila.
Habang kumakain kami ay si Yeng lang din ang kumakausap sa akin, kahit ano-ano ay tinatanong ako. Well, I found it friendly naman kaya okay lang din.

"Alam mo Erik kung wala lang talgang jowa si Angge, naku pasado ka sa akin para sa bestfriend ko! " -sabi pa nito na para bang nanghihinayang.

Bigla naman akong nalungkot dahil doon, sana nga wala nalang. Tumingin muli ako kay Angge , alam kong hindi ito nakikinig sa usapan namin dahil naka headset ito. Ganito na ba to ka anti-social?

" Oo nga sayang. " -pabulong na sabi ko ngunit hindi pa din ito naging sapat para hindi marinig ni Yeng ang sinabi ko.

"Anong sabi mo? " - biglang tanong ni Yenggay na syang ikina gulat ko.

"Wala, sabi ko sayang yang pagkain mo kung hindi ma uubos. " - palusot ko.

"HAHA. Diet ako e. Sige na nga ma iwan ko na kayo, kikitain ko pa jowa ko e. " Tumayo ito atsaka hinila ang headset sa tenga ni Angge. " Alis na ako , diyan ka muna kay Erik. "- hindi pa nakasagot si Angge ay kumaripas na ito ng takbo

Kaya kaming dalawa na lang ang naiwan. I decided na kausapin siya.

"Hi, siguro kakausapin mo na ako niyan? "- pero hindi parin ito nag salita.

"Ang baho siguro ng hininga mo no? Kasi di ka nag sasalita, wag kang mag aalala okay lang sa'kin kahit mabaho ang hini-"

Di ko pa natapos ang sasabihin ko ay nag salita ito. Sa wakas naman!

"Mr. Zhscedrick Ramos Santos. Ano bang kailangan mo? " - humarap ito sa akin.

"Friendship?"- ako

" I have many friends. "- sabi niya at patuloy na kumain.

"Well I guess, wala ka pang friends na katulad ko. "- i smiled at her .

"Nah, I don't need a friend like you. Mayabang, makulit, unang araw palang ng school year na to, binulabog mo na ako. Tsk. " - and there she rolled her eyes again.

"Sakit naman nito mag salita. Ligawan kita jan e. " - pabiro kong sabi.

"Tadyakan kita jan e. " - sabi naman ni to at kinuyom pa talaga ang kamay para suntukin ako.

"Easy! Biro lang. " - ako.

Tumahimik naman ito sandali habang naka focus ang attention nito sa cellphone na hawak niya. Hindi ko sinadyang tingnan ang ginagawa niya pero nakita ko na may ka text syang Nick, kung hindi ako nag kakamali ay iyon ata ang boyfriend niya. I THINK they are not in good terms, base sa mga nababasa kong messages.

"Boyfriend mo? " - tanong ko sa kanya nang maibaba niya na ang cellphone niya.

"Uhm. Y-yeah. " - nag aalangan niyang sabi. I can see pain in her bright eyes .

"You can trust me. I mean, kung kailangan mo ng kausap makikinig ako . " bigla nalang itong yumuko and then she sighed heavily.

"Nick is cheating on me. And he did it not only once but twice. Dati noong nahuli ko sya , binalewala ko lang because I love him. Recently niloko niya na naman ako. You know what, mahal ko pa talaga sya e. Pero di ako papayag na lokohin niya ako ng paulit-ulit. Argh. " - and then she cried. She's so vulnerable.

"I'm sorry, I just can't--- " plastik itong ngumiti habang tinutuyo ng kanyang kamay ang mga luhang nag uunahang bumagsak mula sa kanyang mga mata.

I caress her back at pinatahan ko sya. Hindi ko alam pero nasasaktan akong makita syang umiiyak.

"Ilabas mo lang yan , everything will be okay. "

Sa puntong ito ay lumakas na ang mga hikbi niya sa braso ko, pinag titinginan na rin kami ng mga studyanteng naka paligid sa amin. Ngunit wala na akong pake dahil kailangan ni Angge ngayon ng karamay.

"So? Siya pala ang ipinalit mo sa akin? "- napatigil sa paghikbi si ANGELINE, ng may narinig kaming boses ng isang lalake sa harapan namin.

At sa tantsa ko ay kasing edad ko lang ata ito, pero medyo mataas ito sa akin . Naka yukom na rin ang kamay nito at galit na galit ang mukha.

"N-nick. " -mahinang sambit ni ANGELINE.

Ito pala si Nick. Tsk. Hindi naman ka gwapuhan.

"Ang tasteless mo naman Babe. "

'Well tasteless talga si Angge kasi ikaw ang pinili niya' sabi ko sa isipan ko.

Pag kasabi niya non ay bigla nalang akong sinuntok nito sa mukha. Hindi na ako naka ilag dahil sa bilis ng pangyayari.

"Don't ever try to steal my girlfriend!" - galit pa rin ito . Kaya tumayo na rin ako para suntukin sya pero humarang si Angeline.

"Ano ba! Nick! Wala na tayo, kaya umalis ka na. How dare you. Tapos na ako sayo. Tapos na tayo! " - pag kasabi niya noon ay hinila niya ako palayo sa cafeteria at dinala sa kung saan.

-------
Present Time

"Alam mo apo, iyon ang simula kung bakit naging kaibigan kami ni Angeline.  Naging kasama ko na din sya sa lahat ng bagay. We're not just friends, we're best friends. " - pagpapatuloy ko. Masugid namang nakikinig ang apo kong si Angelique.

"Sige na po Lolo, ituloy niyo na po ang kwento. " - napangiti na lang din ako at pinag patuloy ang pag k-kwento.

_______________

Hi, sorry for being MIA yesterday. May inaasakita lang ako kahapon at kagabi. HIHI. <3

A PROMISE TO KEEP [Completed]Where stories live. Discover now