Part 9

110 6 3
                                    

Erik's POV:

Two years .

Dalawang taon simula noong nilisan ko ang Pilipinas at nanirahan sa States. Two years ago, I was desperate and shattered. And now I can say that I'm the better version of myself. I'm no longer a teenager na umiiyak dahil lang sa pag-ibig. Tsk. Well, marami akong natutunan sa past ko na naging reason sa kung ano man ako ngayon.

I'm now happier.

Nabalik ako sa realidad ng maramdaman ko ang sikat ng araw.

"I'm finally here Pilipinas! " - sigaw ko pero hindi ganoon ka lakas.

Kabababa ko lang sa eroplanong sinasakyan ko.

Marami akong namiss sa lugar na ito, ang klima, ang ingay, ang hangin ang traffic. Lalo na ang mga kaibigan ko. Since nasa States ako ay naging busy din talga ako sa studies ko kaya di ko sila nakamusta.

Na miss ko na din sila. Kamusta na kaya si Angeline? Of course she's happy. Umiling na lamang ako sa isipin ko iyon. Bakit ba kasi bigla siyang pumasok sa isipan ko.

Then suddenly my phone rang. Tinignan ko ito, may nag message pala sa akin. Si Jarred.

"Pare, bar tayo tonight. "

"Sure, text me the location. " - reply ko tsaka ibinulsa ang telepono.

Dumiretso muna ako sa bahay namin to take some rest, maaga pa naman .

" Naku Erik! Iho, ba't di ka nagsabing darating ka? " -biglang salubong sa'kin ni Manang Fe ang caretaker ng bahay namin.

"Ang binata mo na, tas ang guwapo pa. Marami ka na sigurong girlpren. " - pahabol pa ni Manang sabay kurot sa pisngi ko .

Ngumiti naman ako, tsaka nag mano. "Kahit kailan talga Manang, paborito niyo parin ako."

"Aba'y syempre. Eh kamusta naman ang buhay niyo doon sa Amerika? "- pag tatanong ni Manang habang in-ayos ang dala kong gamit.

"Maayos naman, medyo busy nga lang po sina Mom and Dad. Kayo po dito Manang kamusta? "- balik na tanong ko.

"Maayos din. Sya nga pala iho, mabuti nalang nakapag luto ako ng meryenda. Pasado alas tres na e. Kain ka muna. " - sabi pa nito bago pumasok sa kusina.

"Sige po, salamat Manang. Tsaka , may pasalubong pala ako sayo andyan sa kahon. " - sigaw ko naman .

Nakabalik naman agad si Manang, habang dala ang isang strawberry juice at pancakes.

"Ikaw talga, Erik di mo ko nakakalimutan. O siya kain ka muna. " - pagkasabi niya non ay inilapag naman niya ang pagkain.

"Sakto nagugutom ako. Nga pala Manang, mamayang gabi aalis po ako. Kikitain ko po ang mga kaibigan ko. " -

"Mabuti kong ganun, para mabisita mo naman si Angeline, tagal ko nang walang balita sa batang iyon. Kamusta na kaya yon. "

Umiling nalang ako at kinain ko nalang ang pancake na niluto ni Manang.
.
.
.
Andito na ako ngayon sa bar na sinabi ni Jarred kanina. Dito raw kasi kami tatambay ng mga kaibigan ko. Kanina pa nga raw sila naghihintay sa'kin. Nakatulog kasi ako kanina, kaya di ko namalayan na gumagabi na pala.

"Uy pare! Kamusta? "- napa igtad naman ako ng sumigaw si Daryl. Kakapasok ko palang nakita niya agad ako. Iba din. HAHA

"Eto, gwapo padin. " - pagbibiro ko pa. Eh sa guwapo maman talga ako.

"Gwapo? Kung talagang guwapo ka, ilang Americana na ba na bihag mo? " -pahabol na tanong pa nitong si Jarred habang umiinom ng beer.

"Gago, hanggang ngayon di ka pa rin nagbabago? Chicksboy ka parin ! "-patawa ko pang sabi at umupo sa pandalawahang sofa.

A PROMISE TO KEEP [Completed]Where stories live. Discover now