Chapter 22

27K 552 263
                                    

"I

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I... I'm sorry." Nagulat siya ng manginig ang boses niya.

Kitang-kita sa mga ito ang gulat sa mata habang tinitignan siya ng mga ito.

Mabilis siyang lumuhod para kunin ang basag na baso nasa sahig. Nanginginig ang kamay na kinuha niya ito.

"Nyebe," tawag ni Indigo sa kaniya.

"Hala, sorry," paumanhin niya pero hindi niya magawa na titigan ang mga ito sa mata.

Hinawakan niya ang sariling kamay nang manginig ito. Hindi niya makuha nang maayos ang nabasag na baso.

Basag na ito. Nakagat niya ang ibabang labi. Pilit niya pinipigilan na hindi umiyak.

"Tabi." Hinawakan ni Primo ang kaniyang kamay at pinatayo siya nito agad. "Indigo, patawag ka ng mag lilinis niyan," utos pa ni Primo.

"Uhm.. P-pasensiya na.." she said nang maka-alis si Indigo para tumawag ng mag aasikaso nang nabasag na baso.

"Nyebe," pagtawag ni Apollo sa kaniya pangalan nang makalapit ito. Hindi nito gusto naririnig siya na sinisisi ang sarili.

She bit her lower lip. Bakit ba siya nasasaktan at naiiyak? Nagawa niya pa mag basag ng baso which technically aksidente pero sisihin niya pa rin ang sarili niya sa nangyari.

"Excuse me? Is everything okay?"

Nabaling ang atensyon niya sa bagong boses. Sa gilid niya nakatayo ang isang magandang babae na matangkad.

"Ate Claire."

"Hi, Nyebe! Oh wow, dalaga ka na."

Nahihiya na ngumiti siya rito pagkatapos ay dumako ang paningin niya sa katabi nitong lalaki na si Gunner.

She chuckled a little.

"How old are you again?"

"Nineteen. How are you, ate?"

"I'm happy. Ang tagal ko rin pala nawala, no?" Bumaling pa ito sa apat na lalaki. Hindi pa rin kasi bumabalik si Indigo.

Pinatitigan niya si Apollo na pilit na ngumiti habang si Primo ay hindi ito pinansin.

"Yeah, Claire. Ang tagal na rin." Si Echo ang sumagot dito.

Mahinhin naman na tumawa si Claire pagkatapos ay inilagay nito ang kamay sa braso ni Gunner na sinundan niya.

NyebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon