Chapter 28

22.5K 520 281
                                    

MABILIS siyang bumitaw kay Slate nang makasalubong niya ang tingin ni Primo sa kaniya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MABILIS siyang bumitaw kay Slate nang makasalubong niya ang tingin ni Primo sa kaniya.

Balak pa sana ulit kunin ni Slate ang kamay niya nang nilapitan niya agad ang ina at ama na halata nag aalala sa kaniya.

"Ma! Tay!" kinakabahan na tawag niya sa mga ito. Mahigpit na niyakap niya pa ang magulang.

"Good evening, Prince Slate."

Mas hinigpitan niya ang kapit sa ina nang mag salita si Primo.

Nasa harapan nila si Slate at si Leah nasa tabi nito. Si Echo naman ay tumabi sa gilid ni Primo. Seryoso ang dalawa nakatingin sa prinsipe nasa harapan nila.

May ilan din na mga taga pack house ang nasa gilid at likuran nila. Nag uusisa kung bakit ang isang prinsipe ng mga fae ay nasa kanilang lugar.

Ang dating Alpha at Luna nila na magulang ni Primo ay wala sa pack house. Nag decide ang mga ito na humiwalay ng tirahan lalo na may bagong kapatid si Primo at babae pa ito.

"I am Primo, the new Alpha of this Redwood," pakilala ng binata. Inabot pa nito ang kamay kay Slate.

Naninibago pa rin siya sa sobrang pagbabago ni Primo lalo na nang ilipat ng ama nito ang tungkulin na Alpha sa binata. Maski si Echo ay nag matured nang maging Beta ito.

"Slate, the youngest Prince of Elfhame." Pakilala rin ni Slate at inabot ang kamay ni Primo.

"And you are?" Baling ni Primo kay Leah.

"I'm Leah, Alpha Primo. Kaibigan ako ni Nyebe."

"She's the daughter of Doctor Dawn," dagdag ni Slate kay Primo. Tumango-tango naman si Primo at naki pag shake-hands kay Leah.

"Nice to meet you," nakangiti na ani Primo kay Leah. Napaiwas siya nang tingin sa mga ito.

"Kung hindi niyo mamasamain, I want to ask, what brought you guys here?"

Ang kaba niya ay biglang dumoble nang mag tanong si Primo sa mga ito.

"Alpha, hinatid nila ako, uuwi na rin sila," singit niya sa mga ito. Nakarinig siya ng ilang singhap nang walang galang niya sinabihan ang prinsipe.

Masama ang tingin na tinitigan siya ni Primo na nag palunok sa kaniya.

"I'm not talking to you, Nyebe," sita ni Primo sa kaniya. Para siya binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan sa paraan ng boses nito.

"I want to stay here with Nyebe hangga't hindi pa nalulutas kung sino ang walang awang pumapatay sa lahi natin."

"W-What?! / Ano?!" sabay nilang tanong ni Primo kay Slate na seryosong nakatingin lang sa kanila.

She can't believe what she heard. Inulit nito ang sinabi sa kaniya nang nasa sasakyan sila.

Hindi rin siya makapaniwala na alam nito ang nangyari sa kaniya, tatlong taon na ang nakalipas pero wala man lang ito sinabi sa kaniya.

NyebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon