Chapter 27

22.4K 518 176
                                    

NAGIMBAL ang lahat ng estudyante nang mabalitaan na may natagpuan na naman na isang bangkay, at mas lalong nagpakaba sa lahat ay  nakita ang bangkay sa restroom ng mga babae sa unang palapag kung saan  madalas puntahan ng mga estudyante

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAGIMBAL ang lahat ng estudyante nang mabalitaan na may natagpuan na naman na isang bangkay, at mas lalong nagpakaba sa lahat ay  nakita ang bangkay sa restroom ng mga babae sa unang palapag kung saan  madalas puntahan ng mga estudyante.

Nasa cafeteria siya nang marinig ang usapan. Wala siyang kasama no'n hanggang dumating sa harapan niya sina Leah at Slate.

Hindi pa siya nakaka recover kagabi sa nangyari sa kanilang pack tapos may  panibago na naman. Hindi siya pinayagan ni Primo na pumasok ngayon kung  hindi lang siya nag pumilit dito.

Naabutan siya ng mga ito na gulat na gulat at nangingig sa takot. Mabilis na dinaluhan siya ng mga ito.

Ang suot na makapal na jacket ni Slate ay pinasuot sa kaniya ng  binata. Hawak-hawak niya rin ng mahigpit ang kamay ni Leah dahil sa  takot.

Maraming estudyante ang nagkakagulo. Lahat din sila ay pinapapunta sa loob ng gymnasium para roon mag sama-sama.

Nakatayo sila sa gitna ng dagat ng mga estudyante. Maririnig ang mga boses at yapak ng mga ito.

Mas lalo nanginig ang kamay niya nang bumukas ang lahat ng ilaw sa loob ng gymnasium. Tumama ito sa kaniyang mga mata.

"You okay?"

Minulat niya ang mata nang kinuha ni Slate ang kamay niya na nakahawak kay Leah.

Tinitigan niya si Slate na halatang nag aalala sa kaniya pagkatapos ay bumaling siya kay Leah na binitawan ang kamay niya habang tinititigan  ang kasamang binata.

"Are you okay, Nyebe?" tanong ulit ni Slate sa kaniya. Napalunok siya sa kaba na binalingan ulit ito. Umiling siya dahil hindi siya ayos.

Naramdaman na lang niya na pinaikot ni Slate ang braso nito sa maliit niyang katawan at hinapit ito palapit sa binata.

"Andito lang ako," ani pa nito sa kaniya habang siya ay nakatingala rito at titig na titig sa nag alala nitong mukha.

"Slate?" tawag niya rito.

"Hm?" Dumako ang paningin niya sa kamay nilang dalawa na magkahawak. Marahan na hinihimas ito ni Slate na nag papabigay sa kaniya ng ginhawa.

"Thank you." mahinang bulong niya rito. Hindi na siya nanginginig sa  takot pero halata pa rin sa kaniya ang pangamba at pagaalala.

"Shh," sagot nito sa kaniya na kinagulat niya dahil hinalikan siya nito sa bunbunan.

Naistatwa siya sa kinakatayuan.

Rinig na rinig niya ang mabilis niyang puso na patuloy na tumitibok na para bang tumakbo siya nang malayo at kay haba.

Pilit niya pina-process ang ginawa ni Slate dahil pagkatapos nang paghalik nito sa kaniya ay umakto ito na parang walang nangyari.

Mabilis siyang lumingon kay Leah nasa gilid nila na seryosong nakatingin sa kanilang dalawa.

Mag sasalita na sana siya nang may tumawag sa kaniya.

NyebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon