Chapter 32

23.6K 515 172
                                    

INAYOS niya ang suot na jacket dahil kahit unang buwan nang taon ay malamig pa rin ang simoy nang hangin sa labas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

INAYOS niya ang suot na jacket dahil kahit unang buwan nang taon ay malamig pa rin ang simoy nang hangin sa labas. May dalawang weeks na lang din at sasapit na ang pinaka hihintay at kinakatakutan niyang araw.

Gulat napatalon siya nang buksan niya ang pinto sa main door. Sa gilid ng haligi nang bahay nila ay makikita si Primo nakasandal patagilid habang nasa kaniya ang seryoso nitong titig.

"Anong ginagawa mo diyan? You almost gave me a heart attack!" humawak pa siya sa kaniyang dibdib para pakalmahin ang sarili dahil sa gulat.

Ngunit pinatitigan lang siya nito. Bigla tuloy siya kinabahan at naalala ang nangyari kahapon.

"P-primo?"

Umayos ito nang tayo at tinalikuran siya para mauna mag lakad. Bagsak ang balikat na sinundan niya ito dahil mukhang alam nito ang nangyari.

Takbo lakad ang ginawa niyang pagsunod sa binata dahil sa mahaba nitong biyas.

Nang makarating sila sa pack house ay dire-diretso itong pumasok sa loob ng dining hall habang siya naman ay pilit na hinahabol pa rin ito.

Natigil lang ang pagtakbo lakad niya nang mapansin nakatingin sa kaniya ang ibang pack members. Makikita sa mga itsura nito ang pagkadismaya sa kaniya.

Paano pa kaya kapag nalaman nila na mga half-breeds ang may kagagawan nang lahat. Baka hindi na dismaya ang ipakita ng mga ito sa kaniya kundi kasuklaman.

"Eat." Napatingin siya sa plato na may laman nang pagkain. Umupo si Primo sa isang table sa dining hall. Simula naging Alpha si Primo ay marami nag bago sa buong paligid.

Katulad na lang nang dining hall nila. Naging cafeteria ang style nito. May mahabang lamesa sa gilid kung saan nakalagay ang mga pagkain para sa araw na iyon.

Ngunit hindi naman nawala ang isang mahabang lamesa sa gitna kung saan pwedeng mag sama-sama kumain ang buong pack members na kasama ang alpha.

Dahil malawak at mataas ang structure ng pack house nila ay gumanda tingnan ang buong dining hall.

Hindi na siya nag dalawang isip pa na tumabi na rito. Alam naman nang lahat na close siya sa binata. Nang makaupo siya ay agad na umikot ang paningin niya sa paligid.

"He went home—" mabilis siyang napalingon kay Primo. Hindi ito nakatingin sa kaniya. "He'll be back later," dagdag pa nito.

For some reason, gumaan pakiramdam niya nang sabihin iyon ng binata.

"Morning."

Napa-angat ang kaniyang mata sa nag salita. Nakita niya sina Echo at Apollo na umupo sa harapan nila. Napansin niya si Apollo na parang may malalim itong iniisip habang si Echo naman ay kahit nag salita ito ay parang may mali sa binata.

NyebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon