Epilogue: Last breath

24.9K 512 670
                                    

NANG hihina na bumagsak siya sa lupa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NANG hihina na bumagsak siya sa lupa. Pagod na pagod na siya tumakbo at hindi na rin niya magawa na magpalit sa kaniyang lobo.

Nasasaktan siya na marinig ang kaniyang she-wolf naghihingalo at nasasaktan. Parang dinudurog ang kaniyang puso nang unti-unti.

Pinunasan niya ang tumulong luha sa kaniyang pisngi. Madumi na ang kaniyang mga kamay. Panigurado naghalo na ang dumi ng lupa at dugo sa kaniyang buong katawan.

Mariin na kinuyom niya ang mga palad nang tanging kadiliman at himig lang ng mga kuliglig ang kaniyang naririnig sa buong paligid. Malabo ang kaniyang paningin at mahina ang kaniyang pandinig na mas lalong kinainis niya.

"Fuck! Fuck! This is not happening!" hagulgol niya nang maalala ang lahat nangyari nagdaan na mga oras.

• • •

EVER since na sinabi ng bruha na si Lilith ang mga bagay na iyon sa kanila ay ginugol niya ang mga araw sa pagpapalakas. Marami siyang natutunan sa bagong natuklasan na kapasidad.

Ang sabi sa kaniya ay late na nag manifest ang kaniyang kakayahan dahil nga hybrid siya ay nagkaroon siya nang ganitong kapangyarihan.

Sa hindi kalayuan sa palasyo ay may isang talon. Doon niya madalas sanayin ang sarili lalo na at kailangan niya ng tubig.

She took a deep breath then exhaled before reaching her right hand to water in front of her. Unti-unti tumaas ito at dumikit sa kaniyang balat at every time ay nakakaramdam siya ng init na dumadaloy sa kaniyang kalamnan.

It felt amazing and calming.

She smiled nang maramdaman na umikot sa kabilang kamay niya ang init.

Through her right hand's veins, dumaloy ito pataas sa kaniyang braso hanggang marating nito ang balikat at likuran niya patungo sa kabilang balikat, braso at kamay.

Tinaas niya ang dalawang kamay at pinaikot ito kung saan may umiikot na tubig sa gitna ng kanan at kaliwa niyang kamay.

She was concentrating when someone blocked her view.

Bumagsak sa lupa ang tubig at gulat na pinatitigan niya kung ano ito.

Kumaway ang maliit nitong kamay sa kaniyang harapan. Kumikinang ito at pumapagaspas ang maliit nitong pakpak sa hangin.

A pixy.

"Uhm, hi?"

Kumaway ulit ito sa kaniya pagkatapos ay nag gesture ito gamit ang kamay nito. Kumunot ang noo niya nang hindi niya ito maintindihan.

Tinuro siya nito, ini-spread ang braso pagkatapos ay malakas na pumapalakpak ng isa kung saan may lumabas na maliliit na pula sa paligid nito pagkatapos ang kamay nito ay ginisture na gilitan ang leeg. Nilabas pa nito ang dila para iakto ang pagkamatay.

NyebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon