MHIH 35

35.4K 1.3K 238
                                    

Chapter 35

Hindi naman ngayon ang unang beses na makikilala ko ang pamilya ni Hellios pero ang matinding pintig ng puso ko ang tanging naririnig ko ngayon. Siguro, isang malaking dahilan ang katotohanan na haharap ako sa kanila bilang asawa ni Hellios at hindi nobya lang.

It's a huge difference. And the fact that we didn't tell him about our wedding makes me nervous even more. Paano kung magalit sila? Lalo na si Tita Empress at Lola Carmina?

"Getting really nervous, huh?"

Huminga ako nang malalim matapos mahimigan ang pang-aasar sa tono ni Hellios matapos sabihin 'yon. He is obviously taking this lightly! Ang sabi niya, maintindihan naman daw 'yon ng pamilya niya lalo na si Tita Empress. In fact, he's planning to remarry me again. That time, it will be grand and all of our families will be there.

Kakakasal lang pero pangalawang kasal agad ang iniisip niya.

"Kasi naman. We shoul not hide them the truth. Baka mamaya ay kung ano'ng isipin nila Tita Emp-"

"It's Mama for you. We are already married, remember?"

Sa gitna ng kaba ay hindi ko naiwasan ang makaramdam ng kaba. Oo nga pala, mama ko na siya sa batas. Pero hindi ko siya tatawagin sa gano'ng paraan hangga't hindi si Tita Empress ang nagsasabi. I still want her permission.

"Don't be nervous. Siguradong matutuwa pa sila kapag sinabi na natin ang totoo."

Kasabay ng pag-apak ng mga paa namin sa marmol na sahig ay siyang pagbukas ng malaking pintuan. Bumungad ang maluwag na bulwagan kung saan tanaw ang mga bisita.

Hellios holding the small of my waist feels like I am guarded by a greek warrior that no one could even harm me. Nakaangkla ang braso ko sa kaniya habang ang isang kamay ay nakahawak sa kulay puting beaded pouch ko.

"Don't be shy. You are very beautiful." Hellios whispered as he whispered those words on my ear.

Tonight is Tita Empress' birthday. Sa isang buwan naming paninirahan ni Raphael sa penthouse ni Hellios, ni minsan ay hindi nagawi doon ang ginang. I'm not sure if she has any idea about ua already living there. Hindi na rin kami nagkakausap pa at ang sabi ni Hellios ay medyo abala sa pagta-travel.

"You think so? Pakiramdam ko ay medyo revealing ang suot ko." pasimpleng sagot ko sa kaniya.

I felt him give me a side glance. Sinulyapan ko rin siya at naabutang taas ang kilay.

"That's already revealing to you? You are just barely showing your shoulders, Chloe. Mas lalo kang gumanda para sa akin."

Ngumuso ako. "Nagpakita lang ng maraming balat, mas gumanda na? Kapag walang ipakita, paano?"

Humalakhak siya, umagaw 'yon ng atensyon mula sa ibang bisita.

"You look sexy when you're sulking. But nope, I still find you even more beautiful when you're wearing your white uniform in the church," he said and the tugged me closer to whisper something on my ear. "My own definition of holy goddess."

Pilit kong pinigil ang ngiti na gustong kumawala sa mga labi ko. Gano'n na lang ang panglalamig ng mga kamay ko nang hindi kalayuan ay matanaw ko ang couch kung saan naroon ang buong angkan ni Hellios.

Si Tita Empress kaagad ang nakita ko, kausap ang isang ginang sa tabi niya. Kinalabit ni Tito Steve na siyang nasa amin ang atensyon. Nang lingunin siya ni Tita ay itinuro nito kami.

Her eyes suddenly became round upon seeing us. Tumayo siya at elegante kaming sinalubong.

"Oh my gosh! Chloe!" she exclaimed and attacked me with a tight hug.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon