MHIH 39

26.6K 983 68
                                    

It has been a week since Lolo Carmina put into her final rest. Ramdam kong hindi pa rin gano’n kaayos si Hellios pero kumpara nung mga nakalipas na araw, unti-unti na rin niyang natatanggap na wala na ito.

“Pumasok ka na. Tapos na ang leave mo, hindi ba?”

Nasa kama kami, kakagising lang pero hindi pa bumabangon. Pupunta na sana ako ng kitchen para magluto ng almusal namin lalo na at papasok siya pero hinila niya ako pabalik. Masiyado pa raw maaga at tama naman siya. It’s just four thirty in the morning. Mas maaga akong nagising ngayon kumpara sa nakasanayan.

Kung hindi sana ako nakaramdam ng takot dahil sa panaginip ko, maaaring tulog pa rin ako hanggang ngayon. I dreamt of snakes. Gusto akong tuklawin kaya sa takot ay nagising ako.

It was very unusual for me to dream. Kahit noong bata pa ako ay madalang akong managinip. Mangyari man, masayang klase ng panaginip at hindi kagaya ng kagabi.

“I don’t want to work. Maybe we can take some vacation and extend our honeymoon?” he said and hugged me closer and tighter.

Natawa ako at niyakap siya pabalik. I can smell his natural scent that wanted me to embrace him even more. Dinala ko ang kamay sa buhok niya at marahan itong sinuklay gamit ang mga daliri.

“Didn’t we already had our honeymoon here, Samael? The next honeymoon will be after the wedding.”

“Hmm. And that’s really soon because Mama is already on it.”

Natawa ako kapag naalala kung gaano ka-aligaga si Mama Empress tungkol sa pagpaplano ng engrandeng kasal namin ni Hellios. Matapos mailibing si Lola Carmina ay ‘yon kaagad ang inasikaso niya. She told us that it’s Lola Carmina’s wish to witness our grand wedding. It’s just so sad that it will never happen again.

“Are you taking pills?”

Mabilis akong napabangon mula sa pagkakasandal sa dibdib niya at umiling. Titig na titig siya sa akin, palaging akala mo ay may nagawa akong kasalanan.

“No. I don’t even know how to use that. Kailangan ko bang uminom?”

He raised his thick natural black eyebrow and shook his head. Dinala niya ang kamay sa pisngi ko at marahan itong hinaplos gamit ang hinlalaki niya.

“No pills for you.”

Tumango ako. “Why did you ask then?”

“I wanna get you pregnant.” namamaos ang boses na sagot niya.

Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa diretsong sagot niya na ‘yon. I have never thought about it since we got married. At ngayonn siya mismo ang nagbukas ng tema, wala akong maramdaman na pagtutol.

“Gusto mo nang magkaanak tayo?”

“I don’t have any wish right now but to have a child with you. Pero kung hindi pa ipagkakaloob, ayos lang rin sa akin. I can wait.”

Muli niya akong kinabig palapit sa kaniya. Inakbayan niya ako habang ang ulo ko ay nasa gilid ng kaniyang leeg.

“Aren’t you pregnant yet?”

Natawa ako. “Hindi!”

“When was your last period?”

“A week ago,” muli ay natawa ako. “I’m not pregnant, Hellios.”

He chuckled and kisses me on the side of my head.

“Just making sure. What do you want for a name?”

“Are we really talking about this?” humahalakhak ako habang niyayakap siya nang mahigpit sa bewang.

“Let’s say we are just advance. Come on, baby. Wanna know your answer about this.”

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon