MHIH 37

26.5K 1.1K 45
                                    


Malalaki ang bawat hakbang ni Hellios papasok sa hospital. Kahit pa hawak niya ako sa kamay ay at hila-hila ay hindi ko pa rin magawang makahabol sa kaniya.

“Sandali lang, Hellios.” tawag ko sa kaniya.

Lumingon siya at malalim akong tinitigan sa mga mata. Habol ang hininga, binawi ko ang kamay mula sa pagkakahawak niya.

“What’s wrong?”

“Madadapa na kasi ako. Hindi kita magawang habulin. Kung gusto mo, mauna ka na. Susunod rin kaagad ako.”

His brows furrowed a little. Kinabig niya ako at hinalikan sa noo. “Sorry.”

“Okay lang. Sorry rin, hindi kita kayang sabayan sa paglalakad mo.”

Tumango siya bago muling kinuha ang kamay ko. “We’ll take it slowly.”

Tipid lang ang naging ngiti ko at nagpatianod na sa kaniya. We both walked towards the ICU area where his parents are.

Wala kaming ideya kung ano’ng nangyari kay Lola Carmina. Nang tumawag si Mama Empress para ibalita ‘yon ay hindi na kami nag-aksaya pa ng oras. I didn’t even have the chance to change my clothes. Nakasuot pa rin ako ng pajama. Mabuti si Hellios ay nakapagpalit pa ng pantalon. Hindi naman siya maaaring pumunta dito na boxer short lang ang suot.

“Ma!”

Malayo pa lang ay tinawag niya na si Mama Empress na nakaupo sa bench sa hallway ng ICU. Katabi ay si Papa Steve na marahan siyang hinahaplos sa likod.

“Samael…”

Tumayo si Mama Empress at sinalubong si Hellios. They hugged with each other as Mama Empress started sobbing. Bumilis ang tibok ng puso ko sa nakikitang ekpresyon ng mukha niya.

Hindi ba maayos ang kalagayan ni Lolo Carmina? Huwag naman sanang may mangyaring masama sa kaniya. Whatever she’s dealing with right now, I know she will make it.

“What happened, Ma?” tanong ni Hellios.

Nang maghiwalay sila ay lumapit ako kay Mama Empress. Kaagad niya akong kinabig na naging dahilan para yakapin ko siya sa gilid niya.

“Maaaring napagod ang lola mo kung kaya inatake. Ang sabi pa ng nurse na tumitingin sa kaniya ay nagagalit pa daw ito kapag pinaiinom ng gamot. It seems that your grandmother doesn’t want to take her medicines anymore.”

“And what? She’s trying to shorten her life? That’s bullshi-”

“Hellios…” suway ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin, tumungo at inilagay ang mga kamay sa bewang niya. He shook his head and heved a deep sigh.

“She can’t die,” he whispered. “Nasaan ang Lolo?”

“Nasa bahay kasama ang Tita Erica mo. Medyo sumama ang pakiramdam dahil sa nangyari sa lola mo.”

Dumalo sa kanya si Papa Steve at tinapik ang balikat. Nag-iwas ako ng tingin nang matanaw ang paggalaw ng mga buto sa panga niya. Sa halip ay niyakap ko Mama Empress at hinaplos ang likod nito.

“May awa ang Diyos, Mama. Hindi niya po pababayaan si Lola Carmina.” bulong ko sa kaniya.

I felt her nod over my shoulder. “I know, anak. I trust with His plans. Ano man ang mangyari, alam ko na may dahilan Siya.”

Magkatabi kami sa bench ni Mama Empress. Si Hellios ay nakatayo hindi kalayuan sa amin at kausap ang Papa niya. Lumabas ang doktor dahilan para mapatayo kami ni Mama. Mabilis ang naging bawat hakbang ni Hellios palapit.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon