⅌TD11

208 32 4
                                    

Dear Diary,

Nakalimutan kong sabihin. His name is Alexander. He's really handsome, diary. huhu.

Kaninang umaga, nadaanan niya na naman ako.

Araw-araw lalo siyang gumagwapo, omg!! Kanina gulo-gulo ang buhok niya. Pero mas bumagay pa iyon huhu, bakit?

Sana kapag nagka-girlfriend siya, ako nalang iyon. Ang swerte siguro ng magiging gf niya, ang swerte ko siguro hihe.

Kasama niya kanina yung isa niyang kaibigan, e. Pogi rin 'yon pero mas pogi si Alexander my baby. Sobrang landi ko na ba? :( Sa kaniya lang naman lalandi, e.

Kailan kaya ako mapapansin no'n? huhu

Diary, matutulungan mo ba ako? Joke. Wala ka namang buhay, pero mahal kita!

Lagi nga palang masigla ang araw ko tuwing nakikita ko siya o nakakasalubong. Huwag mo akong pagtawanan dahil sa ka-corny-han ko. Ganito talaga kapag inlove hihi.

Sige na. Nagbalita lang ako sa'yo tungkol sa araw ko. Good day!

All my Love,
Scarlett

The DiaryWhere stories live. Discover now