⅌TD24

160 21 0
                                    

Dear Diary,

Ang hirap pala kapag nakikita mo 'yung taong mahal mo na ngumingiti tapos ang dahilan ay hindi ikaw.

I saw Alexander, but not the old days that he's alone or with Leo. He's with his girl. Ang sakit. Ang sakit makita no'n.

I can't hate the girl. She's beautiful and smart. She's also famous and I am just nobody.

But anyway, I cant let sadness drown me. Aahon ako at magiging masaya. Kasama ko naman sila Ivy, Serenity and Isabella kaya kahit papaano naiibsan iyon.

Alexander and his girl... they are happy. Wala na ata talaga kong pag-asa sa kaniya. hahahaha.

Pero masama bang umasa? Masisisi mo ba ako, e, halos dalawang taon na akong may gusto sa kaniya. Ay, mali. Mahal ko na pala siya.

Hindi ko alam kung bakit at paano ko siya minahal. Basta gumising nalang ako isang araw na nararamdaman ko na ito.

Sa ngayon, magiging masaya na muna ako para sa kaniya. Hindi ko hihilingin na mag break sila, ha? Ang sama ko naman kapag ganoon. Hindi na rin ako maghihintay. Pero... baka?

Ewan ko. Basta ang gusto ko lang ngayon ay sumaya. Sumaya para sa sarili ko at para sa kaniya.

Dito na muna ata nagtatapos ang pagsusulat ko rito. Ang pagbibigay ko ng chismis sa'yo.

See you soon, Diary.

Sana kapag sumulat ulit ako, iba na ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Goodbye for now! Adios!

All my Love,
Scarlett

The DiaryWhere stories live. Discover now