⅌TD46

150 21 5
                                    

Dear Diary,

Nakapagpatayo na ako ng sariling kong restaurant. Lahat ng iyon ay hindi mangyayari kung walang naging tulong ni Gab. Kaya laking pasasalamay ko sa kaniya.

Naging kami na nga pala no'ng nakaraang linggo lang. Sure na talaga ako sa kaniya, Diary. Hindi ko na ito papakawalan.

Kanina ay nag date kami. Nanood kami ng sine at kumain sa restau na gusto niya. He gave me a big teddy bear. Halos maging kasing laki ko na iyon!

Alam mo ba, kapag napagawa ko na ang bahay na pinapagawa namin ni Gab, balak naming doon na tumira.

Balak naming magpakasal after ng dalawang taon. Nagpaplano na kaming parehas. Kita ko ang kislap sa mga mata tuwing ayon ang topic namin. Habang tumatagal, mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. Kaya alam ko at ramdam ko na siya na talaga.

Gusto ko pa sanang magkwento pero marami akong ginagawa ngayon. Isiningit ko lang talaga ang oagsusulat dahil naalala kong ilang linggo akong hindi nakapagsulat sayo dahil sa sobrang busy.

Hanggang sa muli.

Nagmamahal,
Scarlett

The DiaryWhere stories live. Discover now