⅌TD26

156 24 0
                                    

Dear Diary,

Ano ba naman 'yan.

Kung kailan mag mu-move on na ako, saka pa siya nawalan ng lovelife.

Bali-balita na break na sila no'ng babae. Parang ang bilis naman ata? Dapat ba akong maging masaya? Mag diwang? Kaso baka malungkot si Alexander. Hindi pala dapat ako magdiwang.

Pero umusbong na naman ang panibagong pag-asa sa puso ko. Nakakainis.

Btw, kamusta ka na, Diary? Ilang linggo rin akong hindi ka tiningnan, ha? Gustong gusto ko nga magkwento sa'yo, e. Kaso pinipigilan ko ang sarili ko.

Alam mo ba, no'ng mga araw na hindi ako nakakapagsulat dito, wala akong ibang ginawa kundi mag scroll at mag shared ng memes? Yes, bumalik ako sa pagiging gano'n. Iba talaga nagagawa ng love. Hay... minsan bongga, minsan masaya, pero minsan masakit at malungkot.

Ganoon naman talaga 'di ba? Kapag nagmamahal ka, hindi maiiwasan ang masaktan at malungkot. Ewan ko ba. Hindi pwedeng naiiwan ang kalungkutan ng kasiyahan sa pag-ibig.

Hindi hinahayaan na maging masaya na lang lagi at hindi na makaramdam ng lungkot. Ng hinagpis, poot, at sakit.

Pero ganoon nga talaga ang pagmamahal.

Kanina, iniisip ko, sana sa pagkakataong 'to, mapansin niya na ako at mabigyan ng pagkakataon na maging kami. Asang asa ako ano? Pero sana nga ganoon.

Mananalangin na lang ako at hihilingin ko iyon.

Sa susunod na lang ulit, Diary. Kailangan ko pa kasing samahan si Serenity sa bahay nila. Bigla kasi siyang nagpasama sa akin.

See you tomorrow, Diary. Muahps.

All my Love,
Scarlett

The DiaryWhere stories live. Discover now