⅌TD40

139 21 1
                                    

Dear Diary,

Hi!

Today is my first day. Maaga akong umalis kanina sa bahay dahil sa takot na malate ako sa una kong trabaho.

Mabait naman ang amo namin. Tinuturuan niya kami kapag nagkakamali.

Si Alexander nakita ko kaninang pumasok rito sa pinagtatrabahuan ko para kumain. Si Trisha ang nagserve sa kaniya.

Para siyang bagong gising kanina noong nakita ko. Lumingon pa nga siya sa banda ko pero agad akong nagtago. Nakakahiya.

Natapos ang araw ko ng may ngiti sa labi. Masyado akong masaya ngayon dahil nakita ko si Alexander at may trabaho na ako.

Gabrielle waited for me. Ihahatid niya raw ako sa bahay. I think we're friends. Gusto kong lumayo sa kaniya dahil baka lalo siyang umasa pero ngayon, mukhang malinaw na sa kaniya na hindi ko siya kayang mahalin katulad ng kay Alexander.

Tanggap niya naman iyon at pumayag na maging magkaibigan kami. Nahihiya na nga ako sa kaniya dahil nagsasayang siya ng gas sa akin araw araw.

Kilala na siya ni Mama. Inaasar nga kami lagi noon e. Hindi niya alam na may gusto akong iba. Sinabi pa niya na matanda na kami at kailangan ng magpakasal. Hindi ata ako magpapakasal ng hindi si Alexander ang papakasalan ko.

Basta, si Alexander ang papakasalan ko at wala ng iba.

Sa susunod na lang muli ako magkekwento. Kailangan ko ng matulog dahil maaga pa ako bukas. Masyado na palang late.

See you tomorrow.

All my Love,
Scarlett

The DiaryWhere stories live. Discover now