⅌TD22

162 22 0
                                    

Dear Diary,

He noticed me.

Nagkabungguan kami kanina dahil sa pagmamadali ko. Hindi ko kasi namalayan na may tao pala sa gilid kaya pagharap ko, nabangga ko siya. Nakatalikod kasi ako noon, nagpapaalam kila Isabella.

Natulala ako bigla dahil kaharap ko siya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko no'ng oras na 'yon.

Nag-sorry siya pero tumango lang ako. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko kanina.

I was mentally blocked and dumbfounded by those moments.

Pero agad ding naputol iyon ng lumapit yung babae sa kaniya at kumapit sa braso niya.

Nakita ko, Diary, ngumiti siya roon. Nag sorry lang siya sa akin pagkatapos ay umalis kaagad.

Nakatingin lang ako sa likod nilang dalawa no'ng mga oras na iyon. Nakakalungkot lang isipin na mayroon na pala siyang girlfriend.

Dapat ko na ba siyang kalimutan? But it's hard.

Gusto ko na talagang itigil ang kahibangan kong ito. Hindi na ito tama.

Alam kong sinasaktan ko lang ang sarili ko dahil sa nararamdaman ko sa kaniya. Pero wala e. Ang hirap.

Tulungan mo naman ako, Diary, oh!

I hate this feeling.

Hopelessly,
Scarlett

The DiaryWhere stories live. Discover now