Kabanata 1

291 20 4
                                    

They say, Music can fix every shattered heart and broken soul.

And through music you can find your true love.

Imagine sa dinami-rami ng banda na tumutugtog at pinagsisigawan ang kanilang musika ay sa iisang banda lang iikot ang iyong mundo.

"Lv, may chismis ako sa'yo," hingal na sabi ni Ellah. Hindi din biro ang tinakbo niya kasi nanggaling pa siya sa school field papunta dito cafeteria kung nasaan ako.

"Ibang klase ka talaga, Ellah. Tatahakin ang lahat makapalaganap ka lang ng chismis. Daig mo pa si Aling Marites. Tse." I saw the little smirk in Hayley face.

"Ibig sabihin nananalaytay lamang yan sa dugo," nang-aasar na sabi ni Curson habang hinahawakan ang braso ni Hayley. Magpinsan kasi si Ellah at Hayley.

"Tumahimik nga kayo!" saway ni Ellah sa dalawa. Habang nakatayo na nakapawaywang sa harapan namin.

Dahil malapit na ang midterms namin hindi ko alam kung makikinig ba ako sa kanya o patatahimikan ko siya habang buhay.

"Spill the tea," atat na sabi ni Curson.

"Nakita ko siya!" yugyog niya sa aking balikat. Halata sa kanyang mukha ang excitement.

"Para ka'ng tanga. Sino ba ang nakita mo? Hulaan ko, isa sa mga ex mo. Mag-review ka na lang niya diyan." sa amin lahat si Ellah ang sobrang playgirl. Lahat na lang ata ng lalaki sa school namin naging jowa nito. At hindi pa namin nakakalahati ang taon bilang freshmen dito sa University namin ay marami na siya naging kalandian.

"Sino ba kasi ang nakita mo? Gwapo ba?" excited din na tanong ni Curson.

"Hindi ex ko ang nakita ko kun'di ex mo! Si Zyi Klite Sierra ang nakasalubong ko kanina sa hallway!" tili niya sabay turo sa akin. Kaya dali-daling tinakpan ni Hayley ang bibig ni Ellah.

Naramdaman ko ang pagtigas ng aking katawan. He's back.

"Hoy, Ellah kapag fake news yan sisiguraduhin ko na ikaw na ang susunod na mamamatay sa squid game. Sayang ng pera wala ka naman silbi." may pang-iinsulto na sabi ni Curson.

Halos tatlong taon na kami hindi nagkikita. At hindi ko alam kung handa na ba ako harapin siya. Am I worth of his forgiveness?

After all the pain I caused to him, how can I tell to myself that I deserve him back?

"Gaga ka, wala ka kwenta na kaibigan. Pero seryoso nakita ko talaga siya ng dalawa kong mata. Kasama niya pa yung bago niyang banda."

I saw my friends eyes darted to me.

"Matagal mo na siya hinanap at baka ito na ang tamang pagkakataon para muling magka-harap kayo. Mag-usap at baka sakali na patawarin ka niya. Always, face your fear." nakita ko ang concerned sa mata ni Ellah.

"Hindi ba last year mo pa siya hinahanap. Halos napuntahan na natin lahat ng concert ng December Avenue bukod sa mga tour nila sa ibang bansa. Kung nandito talaga sila puntahan mo na siya. Kausapin at humingi ng tawad. Sabihin mo na gusto mo pa magka balikan kayo kaysa naman inuubos mo ang allowance mo para lang makapunta sa concert ng banda na idolo niyang ex mo," sabi ni Hayley.

"Pero ayaw ko maging kayo ulit. He is not good for you. Hindi ka nagiging ikaw kapag kasama mo siya. Ben and Ben music ang gusto mo pero nag papanggap ka para lang maging fit sa kanya." ani Ellah.

He love December Avenue music. While, I love Ben and Ben music. Dahil gusto ko maging perfect ang relasyon namin ay nag kunware na lang ako sa bagay na iyon.

Lies after lies. And our relationship ended.

"Ano ba ang ginagawa niya dito?" nagtatakang tanong ni Hayley.

ARAW-ARAW ( A broken Melody) Where stories live. Discover now