Kabanata 8

62 6 24
                                    


"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

Kanina pa siya nag da-drive at hanggang ngayon ay wala pa kami sa aming destinasyon. Teka, meron nga ba?

"Malapit na," tipid niyang sagot.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Bakit puro puno ang dinadaanan natin! Sa tahanan niyo ba tayo pupunta?" irritable kong tanong sa kanya.

"Bakit mo naman nasabi na sa bahay namin tayo pupunta? I'm not province boy," maarte niyang sagot.

"Awsst. Akala ko taga bukid ka. Akala ko kasi kalahi mo mga aswang. Sabagay madali niyo na pala ma-adopt ang new environment," I sarcastically said.

Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

"What the f*ck are you saying?" malutong ang mura na natanggap ko.

Pero bakit ang gwapo? Takte, nahihibang na ako!

"Ang lutong ng mura mo," tagos sa pusoh qoh.

"Paano ako magiging kalahi ng aswang? Kung ganun sa past life mo ay dugo ka. Dahil baliw na baliw ako sa'yo," mayabang niyang sabi.

Pucha, sarap hampasin ng makapal na kahoy.

"Gago, sarap mo ihulog diyan sa bangin."  biro ko sabay hampas sa braso niya.

"Bakit lagi mo ako sinasaktan?" seryoso niyang tanong.

Pero kita ko ang sakit na bumalantay sa kanyang mata.

Eh?

"Hoy, nagbibiro lang naman ako at ano'ng sinasaktan?" I asked.

"Ang sakit," sabi niya habang nagkasalubong ang aming mata. Kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mata pero isang sakit na handa niya ulit-ulitin dahil isa iyong kasiyahan na bumubuo sa kanyang pagkatao.

"Tumingin ka sa daanan!" sipat ko sa kanya. Puro pa naman puno ang aming nadadaanan.

Para mahinto na ang kanyang kadramahan ay minasahe ko ang kanyang braso. Sabagay kanina ko pa siya pinapalo siguro nasaktan na siya.

"I'm sorry," I apologize.

"Forgiven. I'm willing to forgive you even if it means breaking my own heart. I will always choose to understand you,"  seryosong sabi niya habang nakatingin sa daan.

Halos maistatwa ako sa aking kinakaupuan.

"Hindi mo pa ako kilala. I don't even know myself. Madali lang magbitiw ng matatamis na salita pero mahirap ito panindigan." naiinis ako sa sarili ko dahil may kunting sakit ako nakilala sa aking sariling boses!

I won't deny that I want him to stay but how could I make him stay if I'm worst and I'm a mess.

"Tama at masasabi ko lang na natupad ko ang aking salita kung mananatili ako sa iyong tabi hanggang sa dulo. I can't promise you anything except that  I will choose you and stay." I can feel his sincerity in his every words.

"Kung makapag-salita ka naman akala mo mahal mo na ako. Hoy, bawal ka sa akin ma fall ha. May hinihintay ako at handa ko siya hintayin hanggang pumuti ang uwak." pagbibigay ko sa kanya ng kaalaman.

"May hinihintay din ako," he bluntly said.

"Sa dinami-rami ng babae na pwede mong mahalin bakit siya pa? Yung taong nananakit sayo at patuloy ka sinasaktan?" naka-ismid kong tanong.

"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?" he asked while staring at me.

Hindi ako makaimik. Kumuha ako ng salita pero wala ako mapiga.

ARAW-ARAW ( A broken Melody) Where stories live. Discover now