Kabanata 4

94 17 8
                                    

"Aling marites!" sigaw ni Hayley na gumising sa katawang lupa ko.

"Ano ba Hayley nakakahiya ka," saway ni Curson kay Hayley.

Nasa cafeteria kami ngayon at halos lahat ng tao ay nakatingin sa amin nang sumigaw si Hayley.

"Pasensya na kamahalan," sarcastic na sabi ni Hayley.

"Ano ba problema niyo?" tanong ni Ellah na kakadating palang sa amin.

"Saang lupalok ka naman ba nangaling?" tanong ko.

Kahit kailan talaga kung saan-saan nagsusuot ito si Ellah. Susuungin lahat makasagap lang ng nagbabagang balita.

"Ano ba ang nasagap mo ngayon?" tanong ni Hayley na mukhang atat ng nagbabagang balita.

"Si Zyi daw nag change ng course. Nag exam siya ng Med!" hingal pang sabi ni Ellah.

"Paano naman niya yun magagawa? Medicine tapos banda? Ako nga acads palang malapit na mamaalam." ngiwi ni Hayley.

"Multi tasking tawag 'dun'," sabi naman ni Curson.

"Kung saan siya masaya suportado ako," I smiled bitterly.

"Bakit may na sense akong lungkot?" panunukso sa akin ni Ellah.

"Ano gusto mo gawin? Maghimutok sa lungkot?" I asked them, sarcastically.

"Ano pala ang nangyari sa'yo? Hindi ba dinala ka daw sa hospital?" hindi mapigilan ang mag-alala ni Curson.

"Himala nabuhay ka pa. Mahirap talaga mamatay ang masamang damo," Ellah chuckled.

Pigilan niyo ako dahil masasapak ko na ang isang ito!

Bigla nandilim ang aking paningin.

"How could you say those things to your best friend?" sabat ni Curon kay Ellah.

"Ang seryoso niyo naman hindi man lang kayo mabiro," angal ni Ellah.

"Pasensya na pala kung hindi kami nakapunta sa hospital kahapon. Alam mo naman sa bahay. And I don't think my parents will allow me to go outside," Hayley's said. I saw the guilt in her pretty face.

"It's okay. I understand." I replied.

Sa amin kasing magkakaibigan si Hayley lang ang ayaw mahiwalay sa pamilya niya. Kahit masakit pinipili niya ang tumira sa kanilang bahay.

She's suffocating herself in pain.

"Pero sino ba ang sumama sa'yo sa hospital? Ikaw lang ba?" sumiksik sa akin si Ellah. Parang Aling Marites na nag nagkakalap ng nagbabagang impormasyon.

"Hindi ko kilala," I honestly said.

Dahil sa sinabi ko ay hindi mapinta ang kanilang mukha.

"Bakit ba ayaw niyo maniwala. Hindi ko nga siya kilala!" I shouted in annoyance.

Binatukan ako ni Hayley kaya naging aware ako sa mga tao na nakapalibot sa amin.

"Parang ang over protective mo naman. Sino ba ang kasama mo?" may panunuksong tanong ni Ellah.

Halos mabulunan ako ng makita ko si Curson na seryosong nakatingin sa akin. Ano ba problema niya? Nagseselos? Char. Kinakabahan ako sa mga pinag-iisip ko!

"H-Hindi ko nga kilala," nauutal kong sabi. Grabe kasi ang tingin nila nakaka-pressure.

"Bakit ka nauutal? Sabihin mo na kasi," pagpupumilit ni Ellah

"Ang main vocalist ng 'the star' band." nakita ko ang pagkabilog ng kanilang mata.

"Seryoso ba yan?!" nakaka-bingi na tanong ni Ellah.

ARAW-ARAW ( A broken Melody) Where stories live. Discover now