Kabanata 12

52 7 28
                                    

Kung isang libro lang sana ang buhay at ako ang magsusulat ng kung ano ang kakalabasan ay siguro hindi ko na kailangan umiyak at masaktan. Kung sana madali lang ang buhay tulad ng fairytales siguro lahat gaganahan mabuhay, wala sana gugustuhin na kitilin ang kanilang buhay. Sometimes, I'm imagining myself living in my own fairytale life and I have my own prince charming. Lahat sasabihin ko sa kanya , mga hinanakit ko, rants at sakit. Pero sa totoong buhay.... Men will use our body, they will used us to satisfy their needs.

Sadly, this is the reality.

But he came and changed everything...

"Are you okay?" hingal na tanong ni Wyatt habang minamasahe ang likod ko.

Binuksan niya ang plastic bottle ng mineral.

"Drink this," malumanay niyang sabi at inalalayan ako sa aking pag-inom.

Nalahandusay parin ako sa tiles ng banyo habang hinahagod niya ang aking mukha para punasan ang mga pawis ko.

"Kung takot ka bakit mo pa pinilit na kumanta?" he asked. Tinalian niya ang buhok ko.

I'm not aware na may pang-ipit pala siya.

"Akala ko ayos na ako. Akala ko kaya ko na. Akala ko hindi na masakit at makakabalik na ako pero mali ako. Hindi ko parin kaya. I'm stuck in my past!" I cried out of frustration.

Naramdaman ko na lang ang mainit niyang yakap.

"Panahon na para palayain mo ang sarili mo sa nakalipas. Live your life in present and enjoy every moment of your journey. Minsan lang tayo mabuhay at huwag natin ito igugol sa nakalipas na dapat nang kalimutan. Kung patuloy mo dadamdamin ang sakit ay wawasakin ka nito ng buong-buo. Pero kung hihilomin mo ang sarili mo, ang sakit na yan ang magiging motivation mo para magpatuloy," he said while comforting me.

Ang mga salita niya ang magbigay sa akin ng lakas ng loob para tumayo.

I dried my tears and he helped me.

"Shhh. Ako, hindi kita iiwan. Handa ako piliin ka araw-araw. I can hold your hand and I can be proud of you," seryoso niyang sabi at unti-unti hinalikan ang aking kamay.

"Aalis ka din," the last person told me that, left.

May binigay siya sa kamay ko ng kung ano.

"Ano ito?! " irritated kong tanong.

"ATM," bulong niya.

Yes, alam ko na ATM!

"Ano gagawin ko dito?!" tuloy na nandidilim ang paningin ko.

Ewan ko ba kung bakit tuwing kasama ko siya gumagaan ang pakiramdam ko. Siguro dahil lahat na hinanakit at galit ko sa buhay ay nailalabas ko sa kanya.

"Sa oras na magloko ako ay kunin mo lahat ng laman niyan. Pero oras na hindi ko umalis sa iyong tabi, kamay mo lang ang hihingin ko," ma-angas niyang sabi. At wala man lang ako maintindihan. "Marry me," he whispered behind my ears.

Sa sobrang lapit ng mukha niya ay amoy na amoy ko na ang paglalaki niyang mint.

"At ano naman ang password nito?" sinakyan ko na lang ang trip niya.

"10-18-2021," he said.

Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o nagbibiro lang siya!

"You need fresh air," hinila na niya ako papalabas ng comfort room.

"Pasok na lang ulit tayo," hihilahin na niya sana ako papasok ng CR pero hindi ako nagpatinig.

I saw Zyi with her best friend.

ARAW-ARAW ( A broken Melody) Where stories live. Discover now