Kabanata 7

64 8 38
                                    

Back in the present

Inako ko lahat ng sakit, pagsisisi at galit. Not because I want some credit but because I don’t have a time to explain my situation and my side. I’m shattered into pieces and I need to fix myself.

As the day passed, I’m craving for him. His like a cocaine and I’m addicted to him.

Kahit malabo sumubok ulit ako, kahit masakit maniniwala ulit ako at kahit ang gulo kumapit parin ako sa kanya.

I’m not blaming anyone for being not there when I’m battling at my worst. It’s sounds weird but I’m thankful because they made me stronger by breaking my heart.

“Naka-tikim ka na ba nito?"  Wyatt carefully asked me.

May pag-iingat sa kanyang boses.

“Akala mo ba sa akin rich kid?" binalik ko ang tanong sa kanya.

“Teka, baka mausukan ka,” para siyang tanga na pinaypay ang sarili niyang kamay papalayo sa mga usok na tumatama sa akin.

“Para ka’ng tanga," Hindi ko mapigilan ang mainis at matawa sa kanyang inasal. Pinag-titinginan na kasi kami dito sa Night Market. After he comforted me, dinala niya ako dito.

"Ang importante ay napasaya kita." he sweetly smiled.

What the fvck?

"Pinagsasabi mo? Kulang lang 'yan ng tulog? Ano pala ang course mo?" I asked. Ang awkward niya kasi.

"Architecture," tipid niyang sagot.

"Mahirap ba?" sabi nila Architecture daw ang may pinaka mahirap na course. Wait, parang lahat naman.

"Oo. Minsan nga iniisip ko kung ano ang silbi ng pag-aaral pareho lang naman mamatay tayo sa huli. Kaming mga architecture student parang kumuha lang kami ng tali na gagamitin namin sa pagbibigti. Pero seryoso, maraming diyan sibrang stress sa pag-aaral as if naman papasukin sila sa langit kung mataas ang grade nila," he sarcastically said.

Pucha, seryoso ba siya?! Ngayon lang ako naka-encounter ng ganito uri ng species.

Pero hindi ko maiwasan ang tumawa.

"Ate, sampu niyang zigzag na orange, dalawang ulo at sampu niyang kulay black na box," order ko sa tindira. Bumibili kami ngayon ng barbecue.

"Ano'ng black na box at orange na zigzag?" nalilitong tanong ng tindera.

"Yun, oh," tinuro ko ang tinutukoy ko

Nakita ko ang pagpipigil ng tawa ni Wyatt.

"Betamax ang tawag diyan at isaw." pagtatama ni Wyatt.

"Pareho lang naman yun! Betamax man o box pareho lang naman iyan dugo na pinakuluan!" pigilan niyo ako hahampasan ko ito sa sama ng loob.

"Okay, fine. Handa naman ako magpatalo sa'yo," tinaas niya ang dalawa niyang kamay na simbolo ng kanyang pagsuko.

"Ang epal mo. Mag order ka na nga."

"Akala ko para sa atin dalawa ang binili mo?" may pagtataka sa kanyang mata.

"Akin lang 'yun at ikaw ang magbabayad ng kinain ko," I smirked.

"Ang yaman mo pero ang kuripot mo," he uttered.

"Wala ako pera at grasya na ang lumalapit sa akin at tatangi pa ba ako?"  I chuckled.

"Ngayon lang kita nakita na  ngumiti," seryoso niyang sabi.

"Kilala mo na ako?"

"Hindi ka naman mahirap makita kasi lagi ka lang naman nasa tabi-tabi nakatambay."

ARAW-ARAW ( A broken Melody) Where stories live. Discover now