CENTRAL ☪ 5

425 85 5
                                    

(Picture’s above)ERADito matatagpuan ang mga makakapal na nyebe

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

(Picture’s above)
ERA
Dito matatagpuan ang mga makakapal na nyebe. Tangin ang may mga kakayahan lang sa yelo ang nakatira rito.

CHAPTER 5

NIGHT SKY

Galara.”

Sabi ko. Hindi ako pwede magkamali Galara ang mga yun. Ngunit hindi ko akalain na naririto sila. Bakit sa Era? Anong meron sa Era?

“Ano, paano mo–” Hindi na matuloy tuloy ang dapat na sasabihin ni Ace bakas parin na hindi siya makapaniwala. Lahat ata sila.

“Mabuti pa tumuloy na tayo hindi makakabuti kay Sirena kung mananatili pa tayo rito.” Sabi ko.

Agad naman silang nagsipagtangoan. At tumuloy na sila sa paglalakad. Hindi parin malinaw sa akin bakit may mga Galara dito?

Malapit pala talaga dito ang mistulang bayan. Maraming rin mga matatanda ang mayroon makakapal na balabal nakasabit palibot sa leeg.

Makakapal na jacket at may gloves sila.

“Kuya Ace!” Narinig ko sigaw mula sa malayo. Nang matanaw ko ito ay agad itong tumakbo patungo sa amin.

“Kuya,” Napatingin ang bata sa katabi ni Ace.

“Sino siya Kuya?” Nagtataka tanong nito.

“Ahm Alex siya si–” Pero bago pa man maipagpatuloy ang dapat na sasabihin nito nang may magsalita pa.

“Naku talaga bata ka oh.” Napatingin sa amin ang matanda. “Ace, hala’t tuloy kayo sa amin tahanan. Alex ikaw ha.” Dagdag pa nito.

Nang makarating kami sa tahanan nila agad nila kaming binigyan ng inumin na maiinit. Si Sirena naman ay dinala ni Ace sa isang sa mga kwarto rito. Para makapagpahinga.

“Napaaga ata ang pagbisita niyo rito sa amin pook.”

“May hahanapin lang kami kaya kami naparito.” Sabi ni Fire. Naputol lamang iyon ng makita namin si Ace na pababa na mula sa 2nd floor ng bahay nito. Nang makarating sa amin.

Agad itong napatingin sa akin.

“Paano mo nalaman na mga Galara ang mga yun?” Tanong niya sa akin. Nakita ko napabaling sila lahat sa akin.

Central AcademyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant