CENTRAL ☪ 8

409 65 0
                                    

(Picture’s above)SPEARSSword of ice

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Picture’s above)
SPEARS
Sword of ice

CHAPTER 8

NIGHT SKY

Sa pagsimoy ng hangin, siyang paglakas ng pag ulan ng nyebe. Kung nasaan man kami ay hindi ko alam. Masyadong malawak ang lupain ng Era.

Wala parin malay si Sirena hanggang ngayon. Nangangamba na ako. Hanggang kailan siya ganyan?

“Sirena.” Yugyog ko sa kanya pero wala.

Mas lumakas ang hangin sa paligid. Ang hangin na siyang sumisimbolo sa kapangyarihan ko. Nangangamba ako baka makarating ito sa Lantra.

Dati’y kahit nasa malayo ako ay nakarating ang hangin sa Lantra. Nagpadala si Dad ng tulong noon. Pero mukhang ngayon malabo na.

Yumuko ako at nag isip ng maaaring gawin sa lagay ko ngayon. Hindi ko magagamit ang kapangyarihan kong maglaho. Isa lang ang maaari kong gawin sa ngayon. Humingi ng tulong sa hangin.

When you don’t know where to go
And you’re  feeling all alone
Look inside yourself
You’re so much more than you know

When you’re stock and out of time
You can cross the finish line
You’re a champion
You’ll  always be a winner

Sa pagbigkas ko ng liriko sa aking isip ay pagsabay ng simoy ng hangin siyang sumisimbolo sa paghingi ng tulong mula sa mga kaibigan.

Nasisiguro ko na naabot na nito ang aking munti huni sa hangin. Nakangiti kong pinakiramdam ang simoy ng hangin na lalong lumalakas.

Naglaho lamang ang aking mga ngiti nang pumasok sa silid na to ang isang matandang babae. Hindi ko alam ang matinding koneksyon niya kay Ace. Bat niya nagawa ang bagay na to.

“Masyado ka ata, matapang katulad karin niya.” Sabi nito sa akin. Nakagapos ang aking mga kamay, hindi ko rin magamit ang aking kapangyarihan dahil na rin rito.

Tinignan ko lamang siya.

“Dream Night, kilala mo ba siya?” Tanong niya sa akin. “Pareho kayo mga pakeilamera, mga hangal.” Dagdag niya pa.

Dream Night. Parang pamilyar ngunit hindi ko siya kilala.

“Dream Night?” Naisantinig ko na lamang ang pangalan na yun.

Nagtataka nilingon naman ako ng matandang babae.

“Hindi mo kilala ang reyna ng Lantra, hindi, ba’y nagmula ka rin roon.” Sabi nito.

“Ngunit hindi Dream Night ang pangalan ng aking–” Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin nang mapagtanto ko na mabibisto ako.

“Ang pangalan ng ano?” Tanong niya sa akin. Hindi na nasundan ang sasabihin nito ng may pumasok na silid, isang lalaki na sa tingin ay isa lamang utosan.

Central AcademyWhere stories live. Discover now