CENTRAL ☪ 26

243 30 3
                                    

CHAPTER 26

3RD PERSON

Natagpuan ni Night Sky ang kanyang sarili sa isang kweba matapos niyang sundan ang ibon na iyon. Pansin niya kakaiba ang kweba ito kumapara sa mga pinupuntahan nila.  Ipinalaibot niya ang kanya paningin sa paligid masyadong madilim inilabas niya ang brilyante ng hangin upang ng sa ganon ay magkaroon ng kaunting liwanag sa paligid. Ng makarating siya sa dulo nito nakita niya ang isang pabilog na kahoy, na parang maliit na lamesa sa gitna nito. Nilapitan niya ito at nakita niya nakaukit ang mapa ng buong Aquarius rito. At lalong lumiwanag ang brilyante ng hangin sa kanyang palad.

Anong nangyayari? Takang tanong niya sa kanya sarili. Hanggang sa may lumabas na imahe sa gitna ng mapa, hindi siya pamilyar sa mukha na kanyang nakikita. May lumabas roon ang mukha ng babae na hindi niya maipaliwanag ang ganda. Nakasuot ito ng kulay pula na dress.

“May problema ka ba Ara?” Takang tanong isang babae kay Ara. Naksuot ang babaeng natanong kay Ara ng blue dress.

Nais kong lipunin ang mga pinuno na nagmula sa iba't ibang bahagi ng Aquarius.” Sabi ni Ara.

Ngunit para saan pa?” Takang tanong pa ni isang babae na nakasuot ng asul na dress.

Tingin ni Night Sky ay nakaraan na pinapakita sa kanya.

“May nais akong malaman.” Sabi pa ni Ara. Wala naman nagawa ang babae at sumunod ito sa pinaguutos ng reyna.

“Mukha nararamdaman mo rin.” Sabi ng isang babae na bigla na lamang sumulpot sa tubig sa harap ni Ara.

Nakakatakot.” Sabi ni Ara.

“Anong na ang gagawin mo?” Tanong ng babae ito. Sa isipan ni Night Sky ay parang nakita niya ang babae ito ngunit hindi niya alam kung saan. Hindi niya maalala.

Inabot ni Ara ang porselas kay Aqua. Nagtaka na kinuha ni Aqua ang ibinigay sa kanya ni Ara.

“Para saan ito?” Nagtatakang tanong ni Aqua kay Ara. Ngumiti sa kanya si Ara sa kanya. “Ang porselas na iyan ay ang brilyante ng tubig-” Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Ara ang kanya sasabihin ng magsalita na si Aqua.

Ngunit bakit ako?”

Pangalagaan mo ito sa ngalan ko, lumayo ka bumuo ka ng isang kaharian sa ilalim ng dagat. Tawagin mo ito Oceana. Magtatagtag ka ng hari nasa tingin mo ay karapdapat at ang pangalawang anak ng hari ay magmamana ng brilyante iyan.” Patuloy ng Ara sa kanya sinabi.

Central AcademyWhere stories live. Discover now