CENTRAL ☪ 27

249 31 3
                                    

CHAPTER 27

3RD PERSON

Naramdaman ni Night Sky ang paghigpit sa yakap sa kanya ni Fire.

“Fire....” Sabi ni Night Sky at humarap siya dito at niyakap niya ito ng mahigpit ngunit mas mahigpit parin ang yakap sa kanya ni Fire.

“It’s feels like yesterday.” Sabi ni Fire sa kanya. Naradaman ni Night Sky ang pagbasa sa kanya balikat doon niya nalaman na maaring umiiyak si Fire ngunit sa tahimik na paraan.

Nawala sa kaharapan ang Reyna na si Ara ni Gray hindi niya alam kung kakayanin niya pa ba ang mabuhay na wala ang kanyang reyna sa tabi niya. Napasulyap siya sa hawak niyang sanggol sa kanyang bisig. Umiiyak parin ito na parang bang hindi niya matanggap na walang na ang kanyang ina.

Alam ng hari na hindi maaring namatili ng matagal sa lupa ang isang diyosa na si Ara tatanggap ito ng matinding kaparusahan kung iniwan niya ang kanya posisyon kapalit ng responsibilidad na kanya kinatungkolan. Nakakalungkot man ngunit kailangan nila tumayo sa sarili nilang mga paa.

Lumipas ang panahon si Trius na katiwala ng Reyna ay naging Hari ng Lantra kung saan sa gitna at hindi abot ng mga mata ay naroroon ang kaharian ng Lantra. Naging asawa niya ang isang sa mga matalik nakaibigan ng hari na si Dream Night. Akala ng lahat ay may lihim na relasyon ang dalawa kung kaya’t nagdalawang isip rin si Trius kung anak niya nga ba ang pangalawa nilang anak na si Night Sky. Alam ni Dream Night na naghihinala na sa kanya asawa kung kaya’t nilinaw niya rito na wala silang relasyon ni Gray. Lumipas ang isang taon ay maraming kaguluhan ang naganap sa buong Aquarius. Nagkaroon ng kasakiman sa Era kung saan namatay ang ama ni Ace na si Acel. Nais nilang makuha ang brilyante ng yelo sa pangangalaga ni Acel ngunit hindi nila alam kung saan ito naroroon.

Napilitan ang Hari ng Oceana na itinatag ng Diyosa ng tubig na nakawin ang brilyante ng tubig para lamang hindi mahirapan ang kanya asawa sa pangnganak sa kanilang panganay. Samantala sa Lantra naroon sa sulok ang isang tao na nagtatago sa dilim ang kanya puso’t isipan ay punong punong ng ingit, selos at pangamba sa kanya pinagmamasdan.

Central AcademyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant