Simula

78 4 6
                                    

"yes!" masayang sabi ko tsaka inumpisahan na ang pag hahakot ng gamit sa lamesa ko dahil tapos na naman ang mala impyerno kong araw dito sa opisina.

"Pst Sol, arat inom" sabi ng kaibigan kong si Gillian, agad na sinamaan ko siya ng tingin bago ipinasok sa bag ko ang iilan kong gamit pang opisina.

"pwede ba Gill sumasakit na ang atay ko kakayaya mo sa'kin mag inom" sabi ko sa kaniya tsaka siniksik lahat ng gamit ko sa shoulder bag at tsaka sinara, Nginusuan ako ni Gill tsaka pabaldang tumayo sa upuan niya.

"kung ayaw mo edi isama mo nalang ako sa bakasyon mo" sabi niya sa akin tsaka inilingkis ang braso sa braso ko habang nag pa-pa-cute. Ngunuwian ko siya tsaka mahinang pinitik ang noo.

"tigilan mo 'ko Gill alam mo naman ang dahilan kung bakit ko ginagawa 'to hindi ba?" sabi ko sa kaniya tsaka isinalansan ang mga papel na nasa lamesa ko, huminga siya ng malalim at tumango.

"oo alam ko Sol, pero paano kapag palayasin ka na talaga? Saan ka pupunta?" nag aalalang sabi ni Gill sa akin, inihinto ko ang pagsasalansan tsaka tinignan ang kaibigan panandalian tsaka tinuloy muli ang ginagawa.

"hindi ko alam Gill, may ipon na naman ako sa bangko tsaka nag t-trabaho naman ako kaya kahit palayasin ako ayos lang at may mapupuntahan ako Gill, alam mo kung saan" sabi ko sa kaniya tsaka sinukbit na ang shoulder bag ko.

"basta ha, wag kang makakalimot mag text o tumawag sa'kin susunod agad ako sayo kapag may pera na ako ok!" sabi ni Gill tsaka malapad na ngumiti sa akin, ngumiti din ako pabalik at niyakap ang kaibigan.

"thanks Gill" sabi ko sa kaniya tsaka kami nagtawanan at nagdesisyon nang umuwi dahil tapos na ang trabaho ko bilang clerk.

Naging pamilyar sa akin ang masikip, mabaho at maingay na eskinita sa akin, dahil sa mga nag iinuman, mga naglalarong bata, nag aaway na mag asawa, isama mo narin ang mga tambay at mga babaeng nag bebenta ng laman.

"oy Sol tagay mo muna" sabi ng Mang Romeo sa akin, isa sa mga nag iinumang nadaanan ko.

"pass" sabi ko sa kaniya tsaka nagtuloy ng lakad sa masikip na eskinita. Mabilis na tinahak ko ang dulong bahagi ng nito kung nasaan ang bahay namin, mula sa malayo ay tanaw ko ang mga nakasampay na damit sa halos kable na ng kuryente, napapikit ako tsaka binuksan ang kahoy na pintuan.

"putangina ka talaga! Wala na nga tayong makain puro pa ganiyan ang inaatupag mo!" sigaw ni mama habang hawak ang isang kulay itim na hanger, galit na galit siya habang nakatingin sa kapatid kong si Krista na naglalagay ng nail polish sa kuko, ni hindi manlang pinapansin si mama.

"ma, ang ingay mo umaabot sa kanto yang pagbubunganga mo" sabi ko sa kaniya tsaka naupo sa tabi ni Krista, inirapan naman niya ako bago umusod palayo sa akin.

"pwede ba wag kang tumabi sa'kin sumasama ang timpla ko" sabi niya tsaka inirapan pa akong muli, napapikit ako habang si mama naman ay tuluyan nang ibinato kay Krista ang hanger na hawak niya.

"bastos ka talaga! Wala kang galang! Manang mana ka sa ama mong walang kwenta" sabi ni mama sa kaniya tsaka pumulot pa ng isang hanger, tumayo si Krista tsaka pagalit na inihagis ang hanger sa lapag.

"pwede ba! Kahit ngayon lang wag kayong mag bunganga! Nakakarindi!" sabi niya, Pabalibag niyang isinara ang pinto tsaka umalis. Si mama naman ay sinubukan pa siyang tawagin, kung hindi ko lang inawat ay hindi pa siya titigil.

"oh asan ang sahod mo?" masungit na sabi ni mama, kinuha ko sa bag ko ang sahod ko tsaka iniabot sa kaniya, mabilis pa sa alas kwatro niyang kinuha sa kamay ko ang brown envelope tsaka binilang ang pera na naroon.

Sa totoo lang ang inabot ko sa kaniya ay one fourth ng naipon kong sahod, ito na rin ang huling pagkakataon na aabutan ko siya ng sahod ko. Pinasadahan ko ng tingin si mama, hindi maikakailang anak niya ako dahil kuhang kuha ko ang kulay brown niyang buhok, matangos na ilong, maputi at halos kulay gatas na kutis, almond eye shape na mga mata at magandang hugis ng labi.

"himala ang laki ng sahod mo" sabi ni mama tsaka inilagay sa bulsa ng soot na damit ang pera na bigay ko.

"deserve mo ma, para naman mabawas bawasan ang pag bubunganga mo." Sabi ko tsaka umiling sa kaniya, inismiran niya ako bago maupo sa harapan ko.

"at dahil malaki ang sahod mo ngayon dito ka na muna sa bahay sa susunod dapat mas malaki pa! kung ayaw mong kaladkarin kita paalis dito, aba Solana hindi kita pinag aral ng kolehiyo para talikuran lang ako! hay nako matutuwa na naman ang sugalan sa 'kin" sumbat ni mama bago tumawa at halos sambahin na ang perang bigay ko. Mapait akong napangiti tsaka tinignan si mama bago kinuha ang shoulder bag ko at naglakad paakyat sa kwarto ko.

"I love you too" sabi ko sa kaniya bago ko isara ang pintuan ng maliit kong kwarto. Rinig ko ang pag bubunganga ni mama sa baba pero mas minabuti ko nalang na hilahin ang maleta ko sa ilalim ng kama at mag ayos ng mga damit kaysa pakinggan siya.

Sa squatters area ng Trail Way, Jones City ako tuluyang lumaki, isa sa mga nakakasulasok na lugar para sa mga mayayaman at isang magandang lugar para sa proyekto ayon sa gobyerno, pero para sa akin tila isang palaisipan parin sa akin kung bakit naipanganak ako sa mundong ito, eh hindi naman ako mahal ng ina ko.

Ang sabi sa akin ng lola ko at nakatira pa ako sa kaniya, mabait na anak ang mama ko, masipag mag aral at top student pero dahil sa pagmamahal nasira ang pangarap niya. Sa edad na 18 nabuntis si mama at ako ang naging bunga. Hindi siya pinanagutan ng tatay ko kaya naman galit at poot ang naging pakikitungo ni mama sa akin.

Natuto siyang magbisyo, at makipag relasyon sa kung sino sinong lalaki hanggang sa pati pagbebenta ng laman ay ginawa na niya, ang kapatid kong si Krista? Hindi ko talaga kapatid, anak iyon ng kinakasama ni mama si Uncle Peter. Mabait naman siya ang kaso may pagka basagulero din.

Hindi ko alam kung saan pa ako hahanap ng lakas para ipaliwanag ang lahat ng nangyayari sa buhay ko dahil masyadong magulo, masyadong komplikado, kaya naman naisip ko nalang para makaalis sa lugar na 'to gagawin ko lahat ng kaya ko.

Matapos kong maimpake ang mga gamit ko ay kumuha ako ng isang papel at doon isinulat ang nais kong iparating sa mama ko, kay Uncle Peter at kay Krista. Matapos niyon ay hinintay kong makatulog silang lahat, nang gabing iyon ay umalis ako tsaka binitbit ang maleta at shoulder bag ko.

Wala nang ilaw sa sala pero kahit nakapikit ako alam ko ang daan palabas ng pinto at papasok. binuksan ko ang pintuan at walang lingon akong naglakad palayo habang hila ang maleta ko sa tahimik na eskinita, naglakad pa ako palayo, palayo sa mundong matagal ko nang gustong takasan.

Pagdating sa kanto papasok sa Trail Way ay doon lang ako lumingon at pinasadahan pa ng tingin sa huling beses ang lugar kung saan ako lumaki at nagka isip.

"sorry mama, sana maintindihan mo" mahinang sabi ko tsaka hinila ang maleta at pumara ng cab. nang may mapara ay inilagay ko sa compartment ang maleta tsaka pumasok sa loob.

"saan po tayo ma'am?" takang sabi ng driver habang nagmamaneho, kimi akong ngumiti sa kaniya tsaka huminga ng malalim.

"sa Jones City Port po" sabi ko sa kaniya tsaka siya tumango at nagmaneho. Mariin kong ipinikit ang mga mata bago pinagmasdan ang mga ilaw sa labas ng bintana, lumandas sa mga mata ko ang aking mga luha habang iniisip kung anong magiging buhay ko pag alis sa lugar na 'to.

"pabalik na ako lola...pabalik na ako" mahinang sabi ko bago pinahid ang mga luha sa mga mata, sa pag alis ko alam kong kahit papano ay may uuwian ako.

Inabot ng dalawampung minuto ang biyahe ko sa cab bago narating ang port, nagbayad ako sa driver tsaka pumasok sa loob at naupo sa upuan, may mga tao sa paligid ko at sa tingin ko'y mga sasakay din sila ng barko.

"ma'am saan ho kayo?" tanong ng unipormadong lalaki na sa tingin ko ay staff ng barkong sasakyan ko. Ipinakita ko ang ticket ko sa kaniya habang hawak ang maleta ko.

"akyat na ho kayo ma'am malapit na pong umalis ang barko" sabi niya sa akin agad akong tumango bago niya binalik ang ticket ko. Pagsampa ko sa barko ay naupo ako sa deck bed para sa mga pasahero. Pinagmasdan ko ang mga kapwa ko mga pasahero na papasok sa barko bago ko marinig ang ugong ng barko indikasyon na aalis na ito.

Pumikit ako at tinanaw ang buong syudad, huminga ako ng malalim bago hawiin ng hangin ang aking buhok dahil nag umpisa nang umandar ang barko.

8 hours away is a new world I will be conquering...babalik ako sa lugar kung saan ako pinalaki ng lola ko...sa lugar na payapa at alam kong walang babagabag sa mundong gusto kong buuin.

"Hintayin mo ako lola, pauwi na ako" mahinang sabi ko bago tangayin ng hangin ang iilang hibla ng buhok ko. 

-------------------------------

Embers of SummerWhere stories live. Discover now