Six

31 4 1
                                    

Pagdating sa kubo ay naroon na ang tatlo nakaupo na katabi ang boys na prenteng nakaupo. Sa gitna ay lamesa na puno ng alak at pulutan.

"oh nandito na yung mga mababagal maglakad" sabi ni Vin pagpasok namin sa loob ng kubo. Si Phoenix at Zach nalang ang walang katabi kaya wala kaming choice ni Wy.

Napansin ko kaagad ang paghagod ng tingin ni Zach kay Wy na nahihiya.

"dito na kayo Sol" ngiting sabi ni Phoenix sa akin tsaka iminuwestra ang upuan sa tabi niya at kay Zach, tumango naman ako tsaka naupo sa tabi ni Phoenix.

"sit here Wyett" sabi ni Zach tsaka imwinestra ang katabing upuan niya, pinagmasdan ko si Wy na napalunok tsaka umupo sa tabi ni Zach.

"ehem, ehem, salamat sa pag punta" sabi ni Gabriel na katabi si Aila na nakabusangot ang mukha.

"makapag pasalamat parang ikaw bumili ng lahat ng nandito ah" sabi ni Aila tsaka inirapan si Gabriel na pinagtaasan siya ng kilay.

"bakit masama bang magpasalamat? sa hashtag feeling bless ako ngayon eh" singhal ni Gabriel sa kaniya bago silan angkatitigan ng masama.

"ano ba yan makapag away kayo, ganiyan nagkatuluyan yung aso at unggoy sa bayan namin eh" natatawang sabi ni Vin katabi si Philip na hindi rin mapigil ang tawa.

"parang ang imposible naman noon Vin" sabi ko tsaka ako inabutan ni Daphne ng alak na katabi si Conrad na dinadaldal na naman siya.

"ayun nga imposibleng magka relasyon ang aso at unggoy kaya hindi magkakatuluyan tong dalawa na'to tignan mo naman makapag talo daig pa mag jowa" sabi ni Vin na ikinangisi naman ni Daphne.

"may nagkakatuluyan sa ganiyan Ailaryn at Gabriel" sabi naman ni Phoenix kaya nag iwasan sila ng tingin. Mahina akong napatawa bago sumimsim sa binigay na alak ni Daphne, si Wy naman ay tahimik lang sa tabi ni Zach.

"hah! Akala mo magkakagusto ako dito? Ang sungit parang ipinaglihi sa matandang dalaga" sabi ni Aila tsaka inirapan si Gabriel.

"wow, kung ako mukhang ipinaglihi sa matandang dalaga ikaw sa mapait na ampalaya, ang bitter ng mukha mo! Mukha ka pang mandurugas!" sabi ni Gabriel.

Napahinga ako ng malalim tsaka napailing bago nagsalita si Phoenix sa tabi ko.

"tama na yan Gab, ang mabuti pa iba nalang pag usapan natin" sabi niya kaya napatango ako.

"hmm, tutal hindi ko pa nalilibot ang buong Los Fuentes baka may mai suggest kayong magandang tourist spot dito" ngiting sabi ko sa kanila.

"actually Sol marami dito sa Los Fuentes. May falls, ilog, hiking syempre dagat" sabi ni Zach na nakahilig sa upuan habang hawak ang alak niya.

"oo nga maganda yung sa Adiente Falls Sol, gusto ba ninyo mamasyal tayo doon sa susunod?" takang sabi ni Conrad.

"magandang idea yan, and besides once palang ako nakakarating sa Adiente" sabi naman ni Wy na nakikisalamuha na, mukhang nawala na ang pagkahiya niya.

"agree ako kay Wy, even me once palang 'tong si Daph at Vin ang naka ilang ulit na" sabi ni Aila habang hawak din ang alak niya.

"wow parang kasalanan pa naming mas marami kayong time kay Yohan at Raver dati ah" sabi ni Daph tsaka umirap.

"agree! Aysus itigil mo Ailaryn Taylor at si Raver lang ang nakakapag paayaw sayo sa pag sama sa amin, goodness pati ako pinag seselosan ng ex mong mukhang patay na kuko" histeryang sabi ni Vin, tumawa naman si Gabriel.

"patay na kuko na nga iniiyakan mo pa, hindi mo naman sinabi mahilig ka pala sa ganon, so gross" sabi ni Gabriel tsaka tumawa ng tumawa.

"wow, may nagsasalitang pugad" sabi ni Aila sa kaniya kaya hindi ko napigil ang tawa maski na si Phoenix.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Embers of SummerWhere stories live. Discover now