Three

25 4 0
                                    

isang linggo. Isang linggo na ang lumipas simula nang yayain ako ni Phoenix para maghapunan pero parang kahapon lamang nangyari ang lahat.

Mariin akong napapikit bago inayos ang soot na straw hat bago kinuha ang basket ng gulay na nasa gilid at nilagay doon ang bagong pitas na mga strawberry, si lola naman ay abala sa pag bubunot ng mga tanim niyang beet root.

"Sol, apo. Dalhin mo na iyan doon sa ilalim ng puno maya maya lang uuwi na tayo" utos ni lola sa akin tsaka inayos ang soot na sombrero.

"opo lola" sagot ko tsaka tumayo at naglakad palapit sa puno kung saan nakalagay ang dalawa pang basket ng patatas at carrots na kabubunot lamang din namin.

Pinagpag ko ang soot na damit at kamay paglapag ng basket at naupo sa nakalatag na mat na nasa ilalim ng puno. Dahil weekend narito kami ni lola sa taniman niya ng gulay, medyo may kalayuan ito sa bahay kung lalakarin ay aabot halos ng sampung minuto kung naka bike naman ay halos apat hanggang limang minuto lamang. Malapit ang taniman sa bundok, bahagyang patag ang lupa at sa gilid nito ay isang sapa kung saan kumukuha ng patubig si lola para sa mga pananim niya.

Ayon sa kaniya ito raw ang lupang nabili ng lolo kong dating sundalo, nasa halos dalawang ektarya ang lupain pero halos wala pa sa kalahati ng isang ektarya ang nataniman ni lola dahil sa katotohanang ang halos isang buong ektarya ay mga hardwood trees at fruit bearing trees, ang kalahating ektarya naman ay malawak na damuhan na may mga wild flowers na inaalagaan din ni lola at pilit na pinadadami.

Kung susuriin mo ang lugar na ito ay halos masasabi mong paraiso ito dahil sa lumalagaslas na tubig mula sa sapa, mga dahon at huni ng ibat ibang uri ng ibon samahan mo pa ng mahinang hampas ng hangin na hindi ko madalas makita sa Syudad kung saan ako nanggaling.

Muling nag balik tanaw sa utak ko ang nangyari nang gabing iyon at talaga namang hindi ko mapigilan ang pamumula dahil sa kahihiyan.

"h-huh? Hapunan?" takang sabi ko kay Phoenix habang nakahinto ang sasakyan sa stop light, unti unti ay tumango siya at bumaling sa akin.

"oo sana Sol, magdidilim na at mukhang mahaba pa ang traffic. Ayos lang ba sayo yun?" sabi niya bago itinuro ang mahabang pila ng mga sasakyan sa aming harapan. Hindi ko napigil ang pamumula ng mga pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"u-uh sige" mahinang sabi ko tsaka umiwas ng tingin at binaling na lang sa bintana. Hindi narin umimik si Phoenix bago umusad ng bahagya ang sasakyan, iniliko niya iyon sa isang kalsada, siguro'y para iwasan ang traffic. Halos limang minuto ang tinahak naming kalsada bago iyon huminto sa tapat ng isang restaurant.

Pinaglandas ko ang paningin sa restaurant, wala gaanong tao sa loob at maganda ang bawat sulok at disenyo base sa obserbasyon ko. Pinagbuksan ako ni Phoenix ng pintuan at halos mapigtal ang paghinga ko nang ngumiti siya sa akin.

"tara Sol" sabi niya sa akin, namamangha akong ngumiti sa kaniya at tumango, sinukbit ko ang shoulder bag sa aking balikat bago hinintay na tumabi sa akin si Phoenix, pinaunlakan niya ako sa paglalakad palapit sa pintuan ng restaurant, I open the door first habang kasunod siya, he close the door behind us ako naman ay pinagmamasdan ang interior ng restaurant.

80's vibe ang itsura ng restaurant, it was nostalgic as I always saw those designs in movies. The tables were mostly four seater bihira lang ang napansin kong two seater.

"ohhh Phoenix" boses ng isang lalaki. Nakasoot siya ng puting uniporme at itim na apron, base sa itsura niya mukhang nasa mid 40's na ang edad niya.

"ahh Uncle Toni" sabi ni Phoenix bago nakipag apir sa lalaking tinawag niyang Uncle Toni.

"kumusta na Phoenix? Tagal mong hindi nakabisita ah" sabi nito habang nakatingin kay Phoenix, nagkamot naman ito ng ulo tsaka ngumiti.

"sorry Uncle, abala lang sa trabaho. Kayo po kumusta?" magalang na sabi ni Phoenix nahihiya naman akong napahawak sa dala kong shoulder bag tsaka nagmasid sa paligid.

Embers of SummerWhere stories live. Discover now