Two

31 4 3
                                    

"no Sol, mali" sabi ko sa sarili tsaka ngumuso, oo guwapo siya yun lang yun guwapo lang.

"landi landi mo Sol" sabi ko tsaka sinapak ang sarili kong noo.

Narito ako ngayon sa loob ng kwarto ko, pabalik balik at gulong gulo.

"ano yun Solana? Nginitian ka lang gusto mo na? anong sabi mo sa sarili mo kahapon diba arogante siya. Diyos ko Solana Adams hindi ka naman marupok ah" pangaral ko sa sarili bago humarap sa full body mirror sa loob ng kwarto ko.

Gabi na at mula sa balkonahe at bukas na bintana ay tanaw ko ang mga nagkikislapang bituin na bahagyang nakukumutan ng mga ulap.

"ikaw Solana, hindi ka marupok diba? Anong motto mo noong high school books before boys." Sabi ko tsaka tinuro ang sarili kong repleksiyon sa salamin.

"no Solana, no itigil mo yan" sabi ko pa sa sarili bago ginulo ang buhok. Mas ginulo pa ng frustration ang utak ko nang tumunog ang cellphone ko. Madali ko iyong pinulot at sinagot.

"ano na naman" iritang sabi ko tsaka naupo sa dulong bahagi ng kama, dinig ko ang mahinang tawa ni Gill sa kabilang linya kaya mas bumusangot ako.

"iritable mo naman, inaano ka ba?" sabi niya sa kabilang linya, nahiga ako sa kama tsaka napahilot sa sintido ko.

"miss mo na ba 'ko?" takang sabi ko sa kaniya tsaka inilaylay ang paa ko sa kama.

"hindi no, pero meron dito namimiss ka na and I was sure of that" sabi ni Gill, napasapo ako sa noo ko.

"kung si Theo yan Gill parang awa mo na, 'wag mong sabihin ang lugar kung nasaan ako. Nakakairita kasi siya" sabi ko kay Gill tsaka kinunot ang noo ko.

"ano bang ayaw mo kay Theo, Sol? Mabait naman siya ah, mayaman, may sariling business at guwapo pa" sabi ni Gill sa kabilang linya.

"kulang, idagdag mo mayabang" inis na sabi ko sa kaibigan tsaka umirap at naupo sa kama ko.

"Sol, stop it hindi naman mayabang yung –" pinutol ko ang sasabihin ni Gill dahil ibang punto na naman ang gusto niyang tumbukin.

"Gill, kilala mo ako. Mabait akong tao at hindi ako yung tipong magsasalita agad ng mabigat sa isang tao kapag hindi ko pa kakilala pero Gill, si Theo iyon at alam mo kung ano ang reputasyon ni Theo sa akin" sabi ko sa kaniya. Dinig ko ang malalim na buntong hininga ni Gill mula sa kabilang linya.

"fine, just don't get mad too much Sol. Miss lang asarin eh galit ka kaagad" sabi ni Gill sa kabilang linya, napailing naman ako tsaka inayos ang upo ko.

"masyado kang triggered, oh kumusta ang first day mo diyan nakahanap ka ba ng trabaho agad?" pag iiba ng topic ni Gill.

"oo, Clerk ako sa munisipyo" sabi ko sa kaniya tsaka sinandal ang braso ko sa poste ng kama ko.

"mabuti naman, eh hindi ba naman okray ang mga kasamahan mo?" takang sabi ni Gill sa akin.

"hindi naman, mababait sila actually, their name was Ailaryn, Wyett, Daphne and Vinson" sabi ko tsaka tipid na ngumiti.

"hay nako Sol, miss na kita. Hayaan mo babawi ako pag nagka oras ako, bibisita ako diyan sayo. I'll hang up na may sideline ako sa Prism eh ingat bye" sabi ni Gill sa akin, napailing naman ako at napangisi. Gillian was a very hardworking girl, kahit anong trabaho papasukin kahit wala namang binubuhay na pamilya magkaroon lang ng pagkakakitaan para maka ipon, oh well we share the same thoughts naman like before.

Kinabukasan maaga muli akong bumangon para makaabot sa 6 am bus, nakakahiya kasi kung sasabay na naman ako kay Phoenix, hindi naman niya ako kargo.

Kahapon ay ibinigay din sa akin ni Mrs. Montreal ang uniform namin. Polo shirt iyon na may logo ng munisipyo ng Los Fuentes at sa likuran ay Statistics Office, iyon ang soot ko ngayon pinarisan ko nalang ng denim skirt na abot hanggang tuhod, inilugay ko din ang mahaba kong buhok habang nakasukbit sa kanang braso ko ang itim kong shoulder bag.

Embers of SummerWhere stories live. Discover now