Four

22 4 0
                                    

Naging mabilis ang mga araw hanggang sa hindi ko namamalayan dalawang buwan na ako sa Los Fuentes.

Maayos ang naging pamumuhay ko dito, hindi man ganoon kaganda at karangya sa dati ay masaya naman ako dahil kasama ko si lola.

Mabilis kong nakapalagayan ng loob ang iilan pa naming kalapit bahay maliban kay Phoenix. Mababait sila at kung tutuusin ay hindi sila ang tipo na mapanghusga at mahilig manchismis.

Mas napuna ko ang ganda ng lugar na ito nang ikwento sa akin nina Daphne, Aila, Wy at Vin ang mga magagandang pasyalan dito sa lugar at kagaya ngayon ay inaayos ko ang soot na damit dahil nakaplano ang unang destinasyon namin para sa tinatawag ni Aila na 'gala'.

"hay naku nakakatuwa ka naman Vin" masayang sabi ni lola na nakaupo kaharap ang mga katrabaho kong inaaliw siya. Napailing naman ako tsaka sinukbit ng maayos ang bag pack ko.

"hay naku lola huwag kayong naniniwala diyan kay Vinson, balat niyan ulupong! Plastikada po 'yan" sabi ni Daphne na tawa ng tawa, hinila naman ni Vin ang buhok niya kaya natawa lalo si lola. Si Wy at Aila naman ay tawa lang din ng tawa.

"nakakatuwa itong mga katrabaho mo apo!" sabi ni lola na tawang tawa bago ako maupo sa tabi niya.

"ganiyan talaga sila lola, kaya kahit papano na e-enjoy ko ang pag pasok sa trabaho dahil sa kanila." Natatawang sabi ko sa kaniya, ngumiti naman ito tsaka hinawakan ang kamay ko.

"ang mabuti pa'y lumarga na kayo! Pupunta muna ako sa barangay hall dahil may meeting daw kaming mga senior citizen para sa pension na isinusulong ni mayor" sabi ni lola sa amin.

"ay totoo po iyan lola! Nakakatuwa ngang naisipan ng mahal na mayor iyan, kaya maraming may gusto kay mayor dahil lahat ng projects niya award lagi!" pahayag ni Vin na pumapalakpak pa.

"oo nga po lola! Alam niyo ba sabi ni Ma'am Jane malaking pera po ang makukuha ng mga seniors for that project magagamit po ninyo iyon sa pang araw araw" dagdag na sabi pa ni Wy.

"mabuti naman kung ganoon, oh siya lumarga na kayo at ako'y lalarga narin" ngiting sbai ni lola sa amin. Nagkaniya kaniya kaming bitbit ng mga bag pack kasama na ang mga basket ng pagkain at kung ano ano pang snacks.

"mag ingat po kayo lola, magdala kayo ng payong, bimpo at tubig" paalala ko kay lola habang nasa loob kami ng bahay ang mga kaibigan ko naman ay nasa likod bahay dahil doon kami daraan.

"oo apo, sige na at baka matanghalian kayo" sabi ni lola sa akin. Tumango naman ako bago pumunta sa likod, nadatnan ko sila doon na nag aayos ng mga gamit.

Napili nilang doon kami magpunta sa taniman ni lola dahil ayon sa kanila matagal na daw silang hindi nakakaligo sa sapa, lalo na si Wy dahil originally ay taga karatig bayan ito at ayon sa kaniya may sapa sa kanila dati at doon siya naliligo kasama ang mga kaibigan, pinsan at mga kapatid pero nang magka trabaho ay madalang na itong umuwi sa kanila.

"sa susunod sa inyo naman tayo Wy ha! Hindi pa ako nakakarating ng Del Castillio" sabi ni Aila habang naglalakad kami sa buhanginan papunta sa sapa.

"same here! Sabi nila masasarap daw ang mga mangga sa Del Castillio! matatamis, malalaki at talaga namang pang export quality" dagdag pa ni Vin na inaayos ang hawak na payong habang naka shades at may scarf pa na nakatali sa ulo habang hawak ang straw bag niya at isang basket ng pagkain.

"talagang masasarap! Miss ko na nga ang mangga eh hindi na nakapagpapadala sina mama sa akin dahil may kalayuan at bihira lang ang sasakyan sa Del Castillio dahil halos dulo na ng La Carmon" sabi ni Wy habang paakyat kami. Humawak ako sa kahoy na hawakan habang kasunod si Vin na todo ang impit na tili dahil medyo madulas ang lugar.

Embers of SummerDove le storie prendono vita. Scoprilo ora