Five

33 4 0
                                    

"alam mo ako duda diyan kay Wy mukha talagang sinisilihan yung keps lalo na noong dumating yung pinsan ni Papa Phoenix eh" sabi ni Vin na may tangang pakwan sa kamay habang kumakain.

"oo nga pansin ko din, naiilang siya girl like, heler! Baka may something" sabi ni Daphne habang may hawak naman na slice melon sa kamay.

Magmula kanina ay pinag uusapan na nilang dalawa si Wy na tahimik at iwas ang tingin kay Zach na kanina pa siya tinitignan at heto ako nakaupo sa gitna ni Vin at Daphne na kumakain.

"pwede ba kayong dalawang mosang itigil na ninyo yan, Wyett halika" sabi ni Aila kay Wy na halos dalawang metro lang ang layo sa amin, nahihiya itong lumapit sa amin tsaka tumabi ng upo kay Aila na may hawak na fresh strawberries, sumimsim naman ng inumin si Daphne at Vin habang diretso ang tingin kay Wy.

"hoy apple cut girl, anong meron nakakaamoy ako ng malansa" sabi ni Vin habang direktang nakatingin kay Wy na nakaiwas ng tingin.

"malansa? regla ba yan o isda?" takang sabi ni Aila kaya binatukan siya ni Daphne bago nagsalita

"don't tell me may utang ka diyan kay Lieutenant Howard at kung makaiwas ka para kang pinapaso" sabi pa ni Daphne kay Wy.

"teka nga, maka interrogate naman kayo eh isa isa lang" awat ni Aila kay Vin at Daphne ako naman ay huminga lang ng malalim bago pinasadahan ng tingin ang boys na nagkukwentuhan at naliligo sa di kalayaun.

"ano ba kasing meron sa inyo ni Zach, Wy? At bakit iwas na iwas ka? Magkakilala na ba kayo noon pa?" kuryoso kong tanong sa kaniya, tumango naman ang tatlo bago tumingin si Wy sa amin at huminga ng malalim.

"h – hindi ko kakilala si Zach...pero...." sabi ni Wy tsaka binalingan ang gawi nina Phoenix na masayang nagkukwentuhan.

"mukhang private ito, sandali" sabi ni Aila tsaka tumayo at bahagyang sumigaw sa boys.

"uh, boys maglalakad lakad lang kami sandali enjoy lang kayo diyan ha" sabi ni Aila sa kanila bago ito nagsitango. Tumayo si Daphne at Vin kasunod si Aila ako naman ay hinawakan si Wy sa braso tsaka sumunod ng lakad sa kanila, ramdam ko ang titig ng mag pinsan sa amin ni Wy kaya mabilis kong hinatak palayo si Wy doon.

Narating ng aming mga paa ang isang di kalayuang malapit sa mga mayayabong na wild flowers kaya doon kami naupo sa ilalim ng isang malilim na puno.

"you mean Wyett hindi kayo magkakilala ni Zach pero kung matahin ka niya parang pati kaluluwa mo memoryado na niya" medyo sarcastic na sabi ni Vin habang kumakain parin ng pakwan. Kita ko ang paglunok ni Wy, mukhang nag iipon ng lakas ng loob.

"stop pressuring her Vin magsasalita naman tong si Wy" sabi ni Aila sa kaibigan si Daphne sa kabilang gilid ko ay tahimik lang.

"h – hindi kami magkakilala pero...m – may nangyari" sabi ni Wy tsaka bahagyang yumuko.

"HUH!?" pasigaw na sabi ni Vin, Aila at Daphne sa kaniya. Namilog ang mga mata nilang tatlo ako naman ay kalmado lang na nakatingin kay Wy.

"a – ano kasi...n – naalala niyo noong nag bar tayo sa El Peredes" sabi ni Wy, tumango naman ang tatlo samantalang ako ay hindi maka relate kaya pinakainggan nalang siya.

"nalasing a – ako noon d – diba? Kaya hindi imbis na umuwi ako sa a – apartment...sa ibang a – apartment ako nakauwi" sabi niya tsaka yumuko. I creased my brows ang tatlo naman ay umawang ang labi.

"I remember that, noong nag El Peredes tayo, ang wild mo noon tapos talagang una kang nalasing kaysa kay Daphne at Aila which is unusual, akala ko dahil lang sa break up niyo ni Yohan. Tapos nalasing na rin ako kaya nakatulog ako sa lamesa natin tapos ang huli ko lang na natatandaan may kasayaw ka noon sa dance floor" paliwanag ni Vin. Wy close her eyes and nodded.

Embers of SummerWhere stories live. Discover now