(9)

1.9K 164 2
                                    

Pabalik balik ako nang lakad dito sa loob ng unit ko,  Iniisip kung anong mangyayari don sa babae kanina. Anong gagawin ko? Pano ko sya matutulungan? Napatingin ako sa bag na dala ko at hinalungkat ito sakto namang may nakita akong leader jacket na black,  black hat  at clubs ,  merong ding mask. Pero teka? Pano naman to napunta dito? Sa pagkaka alam ku wala naman ako nito eh.

Bahala na. Kinuha ko ang mga ito saka isinuot mukha akong killer nito pero I try my best dahil sa‘kin napahamak yong babae kaya naman tutulungan ko s‘ya. Kinuha ko ‘yong basball bat na may tatak na primus... Yeah binigay sa‘kin to ni Blythe kanina.

Palihim akong lumabas ng Unit ko at naglibot ako. Tinignan ko ‘yong kaninang kwarto at wala na don ang babae kaya naman naisipan kung mag libot.

Nanatili lang akong naglilibot hanggang sa may napansin akong iilang mga studyante na nagkukumpulan.

“Alam nyo ba? Nakakatakot ‘yong New ssg president natin?”

“Hindi naman na eh. At saka sa pagkaka alam ko weak naman ‘yon eh... Puro lang yata kapalpakan dala non dito sa campus. Tignan mo first day nya palang kanina may namatay na.”

“Nagtaka kapa,  eh talaga namang may namamatay kapag may bagong ssg president.”

Sa ganitong oras may balak pa silang mag chismisan dito sa labas ng campus. May patayan na nga na nagaganap dito pa sila nagdadaldalan.

“Gabi na ah? Anong ginagawa nyo dito?”

Bungad ko sa kanila na kinagulat naman nila. Alam kung kilala nila ako dahil sa baseball bat na dala ko. Nag iisa lang naman ang Primus dito eh.

“P-primus?”

“Babalik kayo sa mga unit nyo,  O dito ko kayo patutulugin at hindi na kayo magising pa!”

Saad ko habang ipinapalo ang bat sa kamay ko. Mabilis naman sa isang minuto na nag sialisan ito.

Unang gabi ko dito. Pero tila ba parang hindi ako makakapagpahinga ng maayos sa ganitong sitwasyon kung tila ba? Arghhh hudaputa ano ba kasing nangyayari?

Napatingin ako banda sa may stuck room sa taas ng biglang nagpatay sindi ang ilaw dito kaya naman dali dali akong tumakbo patungo dito.

_____

•Narrator’s Point Of View•

⚫⚫⚫⚫

“Alam mo ba.... Kung anong ginawa mo ? Tinulungan mo ang Isang Sgg President na alalim ang mga nangyayari dito? Alam mo ba ‘yon?”

Saad ng isang babae habang may hawak itong matatalim na bagay. At sa gilid nito ay ang dalawang lalaking malapad ang ngiti na tila ba gustong gusto lang nila parating pumatay ng tao.

“P-Parang awa nyo na..(sob!) H-hindi kuna uulitin. Plssss p-pakawalan nyo na ako dito..”

Sunod sunod ang iyak ng isang studyanteng nakagapos sa may may upuan at tila ba naliligo na ito ng sarili nyang dugo.

“Alam mo ba kung anong Rules sa school na‘to? Don’t trust to anyone ika nga.. Lahat dito maaari kang ipahamak. Tignan mo ngayon? Akala mo ba matutulungan ka ng Primus mo? Tignan mo wala sya dito para tulungan. In short s‘ya mismo ang nagpahamak sa‘yu. HAHAHAHAHAHA ano? Tutulong kapa!”

Sa gitna ng nag iisang ilaw sa loob ng room makikita mo ang isang babaeng puno ng dugo,  umiiyak at nagmamakaawang s‘ya ay pakawalan. Gusto n‘yang mabuhay pero bakit s‘ya pa ang naisipang patayin ngunit wala namang s‘yang nagawang mali.

Mysterious University  By Inskyte ||✔Where stories live. Discover now