(15)

1.6K 159 14
                                    

•SK (STEVEN KYLE) POINT OF VIEW•

⚫⚫⚫⚫⚫⚫

Nasa loob kaming dalawa ni Mystein ngayon. Alam kung pagod s‘ya. Tuwing gabi kasi pagnaglilibot kami masyado s‘yang nastress lalo na kapag may mga studyante kaming nakikita na nasa labas padin. Alam kung di maiwasan iyon pero hindi na tulad nang dati.

Sya palang ang babaeng nakaisip nang ganito mga paraan. S‘ya palang ang babaeng kahit pagod na mas pinipili padin ang kapakanan nang iba. At don ako humanga sa kan‘ya. Gusto ko sya hindi dahil sa ganda n‘ya. Gusto ko sya dahil sa ugaling meron sya. Oo presko s‘ya sa tao, Prangka kung magsalita pero ramdam ko na ang bawat salitang nabibitawan nya nagsisisi s‘ya.

Nasa tabi ko s‘ya ngayon , malamang magkatabi kami nang upuan. Nakacross arm ako habang nakatingin sa kan‘ya, habang iginigiwang n‘ya ang ulo n‘ya. Hatalang talaga na gusto n‘yang matulog.

"Free to sleep, In my shoulder." saad ko na kinalingon n‘ya sa'kin. Midyo nagulat ako pano ba naman, lagi nalang seryuso ang pagmumukha. Mukhang walang balak magseryuso.

"Seryuso kaba?"

Seryusong tanong n‘ya sa'kin kaya napalonok ako."O-oo naman." nakangiting saad ko.

Napahalf smile ito. Ba't half smile pa? Pwede namang smile nalang talaga. Naiilang ba s‘ya sa'kin? O talagang hindi n‘ya ako gusto?

Hyssttt! Ang unfair naman non. Napapigil ako nang hininga nang maramdaman kung napasandal ang ulo nya sa balikat ko. Napangiti ako at tila ba may kung anong lumilipad sa mula sa puso ko. Napahawak ako dito dahil sa sobrang bilis.

Bakit ganito? Tila ba parang ang saya ko. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito.. Nanatili ako sa school na'to nainlove pero namatay din ang babaeng ginusto ko.

Hinipo ko ang puso ko. At gusto kung kumalma ito dahil sa sobrang bilis nang tibok nang puso ko. Baka marinig nya nakakahiya.

"Oyyy dre andi-

"SSSSHHHH!!!"

"ssshhh!! Huwag daw kayong maingay."

"Anong ginagawa n‘yo dito?" tanong ko don sa tatlong mga moggoloy. Monggoloy tawag naman talaga sa kanila.

Lumapit sila sa gawi namin nang dahan dahan. Alam kung kahit apat na araw palang din nilang kilala si Mystein mahalaga na agad ito sa kanila.

"Pagod na pagod sya noh? Nakita ko kanina ginawa n‘ya. At halos lahat nang mga sinabi n‘ya totoo. Tagos hanggang puso. Siguro madaming natamaan non." natatawang saad ni Dawn. Pero di nya tinuloy naupo nalang din ito sa tabi ni mystein at 'yong dalawa din.

"Hanga ako sa tapang nya dre, sya palang ang babaeng nakita ko na ang tatag nang loob. Kaya naman gusto ko sya." tumingin ako sa kan‘ya nang masama."OHHH!! easy lang wala akong balak na agawin sya sayu." taas kamay nyang sabi na tila ba parang sumusuko na sya.

"I agree, first time I saw her . i feel my hurt bump faster. Becuase of that I'll make her lugaw."

"LUGAWW?"
sabay sabay naming tanong kay kiel.

"SSSSSHHHHH!" pagpapatahimik namin sa isa't isa.

"Yeah! Lugaw I will make her to fall Inlove with me." Nakangiting sagot nya. Balak ko sanang syang kutusan pero di ko magawa ayukong gumalaw baka magising si mystein kaya Si kenneth nalang ang kumutos sa kan‘ya.

Mysterious University  By Inskyte ||✔Where stories live. Discover now