(25)

1.2K 124 4
                                    

Nasa lunch counter padin kami. Sabado ngayon kaya di naka uniform lahat pero may nag aaral. Kahit papano tinupad padin nila ang sabi ni Mystein na mag aral tuwing sabado at linggo para di na sila umasa sa iba. At nakikita ko iyon madaming nag aaral except lang sa ibang nandito.

“BABY!!! KAIN KAPA OHH? BAKA MAGUTOM KA.”

“Ang landi.”
Dinig kung bulong ni ken.

“Higad.”
Bulong ni Vince.

“Linta.”
Bulong ni Dawn.

“Uuod.”
Sabay sabay kaming napatingil kay keil. Pano naman naging ood si Alex.

“Ba’t ganyan kayo makatingin sa‘kin? May nasabi ba akong hindi maganda?”
Pagtatakang tanong nito.

“Wala naman masyado pre.”
Sagot ni Vince saka ito tinapik sa balikat.

“Hindi ko alam na meron palang landian na magaganap dito? Sana pala di na ako pumunta dito. Nakakaputangina makakita nang mga couple na naglalandian palibhasa mga putangina naman talaga.”

“Ano daw sabi ken?”

“Nakakaputangina daw makakita nang couple.” sagot ni ken kay Dawn. Kahit kailan mga siraulo talaga ito.

“Bakit daw nakakaputangina?”

“Kasi nga daw putangina.”
Sagot uli ni ken kay Dawn.

Tumayo din kami nang tumayo si Mystein. “Oh? Ba’t kayo tatayu. Dyan na kayo  mga babae lang pwede sumunod.” saad ni Lhin Lhin.

“Ano daw sabi pre?”

“Mga babae lang daw ang pwede sumunod.”
Sagot ni Vince sa tanong ni Ken HAHAHAHA bumaliktad kanina si Dawn ngayon si ken.

Ano bang nakain nang mga ito. Iwan.

Habang nakasunod kami kay Mystein Pansin naming tahimik lang ito at tila ba malalim ang iniisip. Habang nakasunod kami sa kanya napansin nalang namin na hawak na nito ang kamay nang isang lalaki na balak sanang sapakin si Samantha. Isang nerd at member din nang Ssg.

“Pwede bang bitiwan mo ako. MS PRIMUS! Ito naman ang gusto mo diba? Ang may mamatay ulit dahil mamamatay tao ka naman.”

Halos tumilapon sa malayo yong lalaking balak na sumampal kay Sam nang tadyakan ito ni Mystein.“Hindi ako mamamatay tao. Pero kung pipilitin nyo kung pumatay ikaw ang uunahin ko.” cold na saad nito.

Napa atras naman kami pareho ni LhinLhin  nang galit na lumingon si Mystein sa gawi namin. Nanatili lang kaming nakamasid hanggang sa pinuntahan ni mystein ‘yong lalaki saka ito kwenelyuhan.

“Tayu!”
Mystein said. Susuntukin nya sana ito pero hindi nya tinuloy bagkus ay binitiwan nya ito at lumapit kay Sam.

“Ayos kalang ba?”
Tanong nya kay sam na may halong pag alala.

“Huwag munang itanong kung ayos ako. Kasi kahit maging mabait ka sa‘kin hindi padin maaalis sa isip namin na ikaw ang pumatay kay Madam Ann.”

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko nang makita ko kung pano masaktan si Mystein dahil sa sinabi Ni sam. Kahit ano nainis. Sya nanga ang tinulungan sya pa ang may ganang mag sabi nang masama na salita.

“Sa sususunod,  huwag mo akong hahawakan. Dahil baka pati ako mabahidan nang dugo nang pagiging mamamatay tao mo.”
Saad ulit ni Sam saka tinapik ang kamay ni Mystein.

“Pa-pasensya na.”
Mahinang pagkakasabi ni Mystein saka pilit na ngumiti at tumalikod. Kita ko sa mga mata nya na gusto nyang umiyak pero di nya ginagawa.

“Ang kapal nang babaeng iyon ah. Sabunutan ko kaya . Ang kapal nang mukha na magsalita nang ganon ,  bakit? Sigurado naba syang si Primus talaga ang gumawa? Ang talino nya pero ang bobo nya.”
Galit na galit na saad ni Lhin. Pinigilan ko naman ito nang sasapukin sana si Sam. Mahirap na baka gulo na naman.

Susundan sana nito si Mystein pero pinigilan ko.“Hayaan mo muna sya. Siguro sa ngayon hayaan na muna natin syang mapag isa. Alam kung nasasaktan sya at alam kung kanina pa sya galit na galit kaya hayaan na muna natin sya.” saad ko hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni mystein basta ang alam ko sobrang bigat nang dinadala nya ngayon.

________

√Vince’s Point Of View√

⚫⚫⚫⚫⚫

[Boooogggsshhh]

[Pakkkkkk!!]

[Blaaaggggggg!!!]

Muntik muntikan na akong matisod sa paglalakad ko  papuntang Locker nang madinig ko ang mga kalabog na ‘yon na akala mo gigibain na ang mga locker sa sobrang lakas.

Nagmadali akong pumasok sa locker room at pagdatin ko don ,  halos lahat nang mga locker sira na. Mukhang dinaanan nang bagyo. Halos maihi naman ako sa pantalong ko nang makita si PRIMUS na galit na galit at tila ba madaming dugo ang umaagos mula sa kamao nya.

Napatkbo naman ako saka ko kinuha ang panyo sa bulsa ko at binalot sa kamao nya.“Anong ginagawa mo?” cold na pagkakatanong nya sa‘kin.

Gusto kung matakot sa kanya , pero nilalabanan ko para sa matulungan sya. Ano ba kasing pumasok sa isip nya at balak nyang sirain lahat nang locker dito.“Dumudugo ang kamao mo.” sagot ko.

“Alam ko.”

“Ano ba kasing naisipan mo at pinagsasapok mo ang mga locker. Kung galit ka pwede mo namang iiyak para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo. Huwag mong hayaan na dumugo pa ang katawan mo mailabas mulang lahat nang galit mo.” saad ko dito.

Napaupo naman sya sa gilid nang locker saka napasandal. Pinagmasdan ko sya. ‘yong mata nya may namumuong luha. Ang ganda nya kaya nga gusto ko sya eh. Nong nalaman kung may gusto si Sk sa kanya sinubukan kung ilayu ang feelings ko para makamoveon agad pero hindi padin gumana.

“Pagod na ako.” natigilan ko sa sinabi nya.“Sobrang pagod na ako.(sob!)” ito ang unang pagkakataon na makita ko syang umiyak.

“Ba-bakit? Gi-ginawa mo naman ang lahat eh... Ginawa ko ang lahat.. Pero bakit??? Ba’t ako.. Wala naman akong kasalanan eh. Wala naman akong ginawa.Ang sakit! Ang kasi... Ang tingin nila sa‘kin walang kwenta,  killer,  ayos lang naman na sabihan akong nyan eh. Pero ‘yong ganito? yong kulang nalang patayin nila ako para lang ipamukha sa‘kin na ako talaga ang pumatay...”

Sumapit ako sa kanya. Saka ito niyakap. Hindi sya yumakap sa’kin pabalik pero ramdam ko iyong mga luha nya na sunod sunod na pumapatak sa damit ko.

“Ak-ako lang ito,  Si mystein ang babaeng pinipilit na intindihin lahat. Pinipilit na iligtas ang lahat. Pinipilit na ayusin ang lahat.. Hindi ko naman ginusto to eh... Hindi ko ginusto ang mapunta dito.. Naging mamatag ako Vince...(sob!)(hik!) Ayukong magpakita nang kahinaan. Pero ito bakit? Parang ang sakit?” sunod sunod na sabi nya. Hinagod ko ang likod nya para mahimasmasan sya..

Maya maya pa. Naramdaman kung mukhang nawalan ito nang malay kaya naman kinabahan ako. Binuhat ko ito para dalhin sa unit nya nang makasalubong ko Si Sk kasama si Alex.

“The fuck! Anong nangyari dyan?” tanong ni Sk na may halong pag alala. Tangina nito ang tanga din eh.

“Anong nangyari dito? Sa tingin mo anong nangyari dito?”

“Tinatanong kita sagutin mo ako?bakit may mga dugo? Anong ginawa mo kay Primus huh?”

“Ako wala,  ikaw meron.  Una hindi mo sya naipagtanggol. Pangalawa hindi mo sya naipagtanggol. Pangatlo nasabi ko nabang hindi mo sya naipagtanggol.”
Sagot ko saka tumalikod.

Gago ba sya! Pagkatapos nyang hayaan si Primus na laitin nang lahat mag tatanong sya kung anong nangyari?

Tangina sya.

____

Mysterious University  By Inskyte ||✔Where stories live. Discover now