53

909 99 2
                                    

Nanatili akong nasa likod ni Alex habang tawang tawa HAHAHAHA.

“Ba’t di ka umilag?”
Tanong ko kay alex na may mga spaghetti pa ang mukha nya.

“Ba’t ka kasi tumago sa likuran ko.”
Inis na tanong nya.

Sasagot pa sana ako ng mapansin ko ulit na may isang manggkok ng pansit  na tatama sa‘kin kaya umilag uli ako dahilan para tumama ulit ito sa mukha ni alex.

“Bullsh*t mystein lawrence luxwell Valdez!” banggit nya sa buong pangalan ko. Umayos naman ako ng tayu.“Hindi na ako natutuwa nito.” alex said saka inawat ‘yong mga nag aaway.

Ako naman andito lang sa gilid pinagmamasdan sila. Ang ganda palang manood ng gulo dati kasi ako laging nasa gulo ngayon ako ang nanonood ng gulo.

“May popcorn ba kayo d‘yan?” tanong ko sa studyanteng katabi ko.

Umiling naman ito.

Sayang  ang ganda pa naman ng palabas. Maka upo nanga lang at manood ng maayos.

[BOOOOGGSSHHH]

“PUTANG*NA MO KA SATANAS!”
Mura ko at halos di na ako makagalaw sa kina uupuan ko dahil sa may tumama sa mukha ko na kalderita.

Natigil naman sila at tumingin sa‘kin tapus maya maya biglang nagkagulo ulit.

Tumayo ako para makisali. Pero tumikim nuna ako ng minodo ng kunti  at ang masasabi ko masarap sya,  pero mas masarap ako. Ito yong time na nakita ko ulit si alex makipag away grabi walang kupas.

“Hoyy!! Tama na‘yan?”

[PAKKKK!!]

Napaatras ako dahil sa may tumama sa mukha ko. Tang*na ang sakit non ah.

Lumapit ako don sa leader ng Class 4-A saka nakipagsuntukan dito.

Panay ilag lang ako.

At kada suntok ko laging sapul .

Nagtipon tipon kaming pito habang napapalibutan nong class 4-A. Napadaing ako ng wala sa oras ng maramdaman kung kumirot ang sugat ko kaya tinignan ko ito at tama nga hinala ko dumugo ito.

“Moy! Ayos kalang ba?”
Napalingon ako kay Sk ng magtanong ito sa‘kin. Kita ko sa mata nya ang pag aalala kaya tumango ako.

“Ayos kalang?”
Mahinang tanong sa‘kin ni alex.

“ANONG PINAGBUBULUNGAN NYO HUH? SUGURIN NYO!”
sigaw nong leader dahilan para magkagulo ulit sa canteen.

Ang masasabi kulang sira sira na lahat ng mesa pati ang mga pag kain nasa lupa na lahat.. Section S-U at 4-A  ang nagrambol ngayon pati ako dinamay.

Susuguod pa sana samin pero pinigilan ko.

“TEKA?!”

Saad ko pero di manlang ito nakinig.

“PUTANG*NA TEKA SANDALI!”
malakas na mura ko para matigil ang lahat.

“BAKIT?”
sabay sabay nilang tanong sa‘kin.

Nakapwesto pa sila na parang susuntok na ng mapatigil.

“Masyado nang masakit ang sugat magsitahimik na kayo.”
Suway ko sa kanila..

Ayaw pa sanang magpa awat eh pero biglang dumating ‘yong dean.

“MS PRIMUS! WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE?!”
inis na tanong nito ng makarating.

“Nagsusuntukan.”
Sagot ko

“At sinong may sabing pwede kayong mag away dito huh? At ikaw pa talaga ms primus ang nagsimula.”

Mysterious University  By Inskyte ||✔Where stories live. Discover now