Simula

948 35 4
                                    

Simula

Napapapikit ako nang bumungad sa akin ang maingay na paligid pagbaba ko ng bus. Nagpalinga-linga ako sa paligid at iba't-ibang uri ng sasakyan ang nakikita ko. 

Napangiti ako at dahan-dahan naglakad paupo sa upuan sa gilid ng terminal at doon umupo. Kinandong ko ang bag pack kong dala at dinukot mula sa loob ang lumang cellphone at agad tinawagan si Auntie Marietta.

Siya kasi ang nagsabi sa akin na may trabaho siyang nahanap na puwede kong pasukan.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras dahil gustong-gusto ko talagang makapag-ipon upang makapagpatuloy sa kolehiyo. 

Mahirap ang buhay namin sa probinsya at hindi kayang tustusan ang matrikula kahit araw-araw pa akong kumayod kaya baka rito sa Manila ay matupad ko ang pangarap ko. 

Paulit-ulit kong sinubukan na tawagan si Auntie Marietta ngunit hindi ko na ito makontak pa.

Ngumuso ako at naisipan kong maghanap ng karinderya dahil sa biglang pagkalam ng sikmura.

Hindi naman ako nahirapan dahil isang bag lang ang lahat ng gamit ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid at naglakad-lakad upang maghanap ng puwedeng kainan hanggang sa napadpad ako sa tabi ng malaking hospital na nakakalula dahil sa taas ng gusali.

Napanganga ako habang nakatingala.

“Crimson Medical Hospital…” basa ko sa pangalan bago binaba ang ulo at napangiwi sa muling pagkalam ng tiyan ko. 

Nilingon ko ang kalapit na carinderia at naglakad na palapit doon. Bumuntong hininga ako. Buti na lang talaga may extra pa akong pera na naitabi.

Makalipas ang ilang oras patuloy kong tinatawagan si Anti pero coverage pa rin ito. Hindi ko na mapigilan ang pag-iinit ng mga mata dahil hindi ko alam kung saan ako tutuloy ngayong araw lalo na kung hindi ko pa rin siya makakausap.

Tumayo ako at lumipat ng puwesto dahil marami na ang tao sa karinderya at saktong tumapat ako sa harap ng hospital.

Nanatili ang titig ko sa loob dahil minsan ko na ring pinangarap ang maging nurse ngunit hindi natuloy dahil sa hirap ng buhay.

I pursued taking a business course. Thankful pa rin ako dahil may nag o-offer ng ganoong kurso sa probinsya namin pero dahil sa kahirapan ay hanggang 1st year college lang ang natapos ko. 

Humugot ako ng hangin bago dahan-dahang tumalikod ngunit sa kasamaang palad ay may nabangga akong matigas na—

“Shit!” rinig kong mura niya.

Napakagat ako ng labi, napalingon sa kinaroroonan ng boses nang nakita ang pagtapon ng malamig na inumin sa damit nang nakabangga ko.

Nangatog ang buong kalamnan ko.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa mukha ng taong nabangga ko at doon ko nakita ang mukha niyang madilim at matalim ang titig sa akin.

Napalunok ako.

“S—Sorry, Sir…” aligaga kong paumanhin at mabilis na lumapit sa kaniya at pinunasan ang natapon na juice sa kaniyang damit subalit mas lalo lamang iyon kumalat.

“What the hell?!” angal niya kaya napaatras ako.

“Sorry, sorry, po…” paulit-ulit kong sinabi habang nakatingin sa damit niya sabay lipat ng tingin sa mukha niya.

Magkasalubong ang makakapal niyang kilay habang nakaigting ng bahagya ang bagang.

Saglit niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hangganh paa ng may biglang lumapit sa kaniyang babae.

Irresistible Series 2: Lost in Fire (Ongoing)Where stories live. Discover now